Nakaka-touch Ang Ginawang Tulong Pinansiyal Ng Mga Estudyante Sa Kanilang Guro Na Hindi Pa Sumasahod Ng 2 Buwan



Hindi madali ang buhay ng isang guro. Sa ibang parte ng mundo, mayroon mga bansang may mababang pasahod sa mga guro. Minsan din ay ilang buwan na ang nakakalipas ay nade-delayed ang sahod. At kung ikaw ay walang ibang inaasahan kundi ang iyong sweldo, ay sadyang napakahirap nito dahil wala kang mapagkukunan ng panggastos.

Si Bruno Rafael Paiva ay isang middle school teacher sa Brejo Santo sa Brazil. Nagsimula siyang magturo dahil ito ang kanyang dream job. Inasahan na niya na hindi magiging madali ang kanyang buhay guro dahil kailangan niyang mag-adjust sa paguugali ng kanyang mga estudyante, work load, at mababahang pasahod.

Ngunit ang mas nakakalungkot pa bukod sa mga pagsubok niyang hinaharap na ito ay dalawang buwan ng delayed ang kanyang sweldo. At dahil sa kanyang financial condition ay napilitan na lamang itong makitulog sa kaibigan.

Ibinahagi ni Rafael ang kanyang karanasan,

"Teacher life is not easy. When I saw that I was not going to receive a month and a half's salary, I saw everything going black. I sank into depressi0n, worried and lost, without knowing how to pay the bills and help my family."


Subalit ng malaman ng kanyang mga estudyante ang kanyang sitwasyon, ay nagtutulong tulong ang mga ito na makagawa ng isang fund raising event para sa kanilang teacher.

Ang kanyang mga estudyante ay nakaipon ng 400 Brazilian Real na higit kumulang sa Php5,000.

Bilang isang surpresa, nagsulat ang mga estudyante ng apology at thank you letter para sa pinapakitang effort ng kanilang guro sa pagtuturo. Nang pumasok si Rafael sa kaniyang klase ay sinabihan siya ng kanyang mga estudyante na umikot sa classroom hanggang natagpuan niya isa isa ang mga isinulat ng kanyang mga estudyante.

Ang last note ay sinabi na buksan ang isang box sa kanyang desk. At nang pagkabukas nito ay napahinto siya at nakita niya ang pera.

Naiyak ang guro sa ginawang pagtulong at malasakit ng kanyang mga estudyante. At nang makita nila itong umiiyak ay dali dali nilang niyakap ang kanilang teacher.

Ayon kay Rafael, hindi man ganoon katahimik ang klaseng iyon ay sila naman ay ang may pinakabusilak na puso.

"I have many rooms that I have loved in my heart as a teacher, but no room has ever shown such love, help and affection for my teacher's work as the class did today. They are students, like me, who still believe in the education of the country; believe in the love of others; and in the compassion of putting oneself in the place of others."

Comments

  1. What a nice & awesome act of compassion the students did for their teacher .

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso