Nakakabilib Ang Pagbabalik Eskwela Ng Isang 80 Year Old Na Lola!



Sino ang makakapagsabi na kapag matanda ka na ay dapat ay huminto ka nang mag-aral at matuto? Ang edukasyon ay walang pinipiling edad. Sa katunayan, ang pag-aaral ay hindi na lamang basta natatapos sa apat na sulok ng paaralan. Dapat ay laging bukas ang ating isipan para matuto. Tulad na lamang ng isang lola na ito na nagbabalik eskwela.

Nakilala ang estudyanteng lola na si Salvacion Nacario o mas kilala sa tawag na Nanay Sally. Siya noon ay isang 4 na taong gulang na bata na naka ligtas noong Second World War. Ang kanyang ama ay miyembro ng Philippine Constabulary kaya ang kanilang pamilya ay naging target ng mga Hapon. 

Dahil sa uri ng trabaho ng kanilang ama ay kaya nagpalipat-lipat ang kanilang pamilya noon sa iba- ibang lugar. Nakapagtapos noon si Nanay Sally ng grade 5 sa Iloilo at nag-graduate sa elementary sa Camarines Sur. 

Noong siya ay tutuntong na sa high school ay lumikas sila sa Maynila kung saan nag-enroll siya sa isang military school. Doon ay umibig siya sa isa sa kanyang mga kaklase hanggang nag-drop out ito noong second year dahil sila ay magpapakasal at sa kalaunan ay nagkaroon ng anim anak.

Dahil dito, hindi niya natupad ang kanyang pangarap na maging isang military nurse. Pero kahit ilang dekada na ang nakalipas ay hindi pa rin nawalan ng pag-asa si Nanay Sally na makabalik sa pag-aaral.

Sa kanyang edad, ay bumalik ito sa pag-aaral at nagenroll sa Alternative Learning System (ALS) gamit ang naiwang pension ng kanyang asawa. Noong una ay ayaw na siyang pabalikin sa pag-aaral ng kanyang mga anak dahil nga matanda na ito at dapat ay nagpapahinga na lamang siya sa bahay.

Ngunit nais talaga niya na matuto at makabalik sa pag-aaral. Kahit na minsan ay hirap ito sa pagbabasa ng mga maliliit na letra ay pinagpatuloy pa rin niya ang pag-aaral. Nag-aral siya ng ALS ng tatlong taon at lumipat sa Fort Bonifacio Open High School sa kanyang huling taon sa high school na kung saan ay once a week ang kanyang pasok.

Noong taong 2016 ay nagkaroon pa ng mild str0ke ang matanda ngunit hindi ito naging hadlang upang hindi matapos ang kanyang pag-aaral.

Ayon sa isa kanyang mga schoolmate ay nakikita raw siya na inihahatid ng kanyang apo. At kahit sa ganoong edad ay nagkaroon pa rin siya ng mga kaibigan sa kanilang eskwela.

Tunay na nakakabilib ang fighting spirit ni Nanay Sally at nawa'y magsilbi siyang isang inspirasyon sa mga kabataan na maging masipag sa kanilang pag-aaral.

Comments

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Top 10 Young Millionaire Celebrities ng Ating Henerasyon Ngayon!

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!