Napakaruming Kanal Noon Sa Iligan City, Ngayon Ay Isa Nang Napakagandang Koi Fish Pond


Kapag sinabing kanal, ang unang papasok sa isipan natin ay mabaho at maruming drainage system. Dahil ganyan ang sitwasyon ng halos ng mga kanal dito sa ating bansa at ang mga ito ay punong-puno ng mga basura. 

Ngunit alam niyo ba na sa bansang Japan ay naging patok ang mga kanal nila na napakalinis at naging tirahan na rin ng mga koi fish. Sa katunayan, naging atraksyon na rin ito sa mga turista dahil bibihira lamang na makakita ng isang kanal na tila isang fish pond. 

Ito ang naging inspirasyon naman ng mga opisyal at residente na nakatira malapit sa isang creek na malapit rin sa isang mall sa Iligan City. Ang Baslayan Creek ay dating napakarumi, polluted, at punong puno ng basurang creek.

Ngunit nagkaisa ang mga tao doon na linisin ito upang maging tirahan ito ng mga libo libong mga koi fish at iba pang isda. 

Sa tulong ng iba pang mga residente, hindi lamang nila ito nilinis kundi inayos rin nila ang landscape ng nasabing creek. Dinisenyo nila ito na tila isang garden upang mas maging kaaya-ayang tignan sa mga tao. 

Ngayon, makakapag-enjoy na ang mga tao na panuorin ang mga makukulay na isda at napakagandang view. Sa halagang limang piso rin ay mapapakain na rin nila ang mga isda. Naging atraksyon rin ang iba pang mga isdang dinagdag sa fish pond tulad ng mga tilapia. 

Hinahangad lamang ng mga taga Iligan City na sana ay patuloy na pagandahin pa at protektahan ang kanilang kapaligiran. Sana ay hindi na rin sila magtatapon ng mga basura sa kanilang paligid para mabawasan ang polusyon. 

Sino ang mag-aakala na baka isang araw ay maging isang tourist spot na rin ang kanilang mga drainage system katulad ng sa bansang Japan na kung saan ang mga turista ay talagang sinasadyang makapunta upang matunghayan lamang ang kalinisan ng kanilang mga kanal. 

Kung ganito lamang ang gagawin sa lahat ng drainage system dito sa ating bansa, ay tiyak rin na mababawasan ang polusyon at mga sak!t na kumakalat dahil sa maruming kapaligiran. 

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso