Napapakanlumong Makita Ang Mga Nagkalat Na Paninda Ng Isang Balut Vendor Matapos Kumpiskahin Ang Kanyang Kariton


Mayroong napakaraming uri ng mga street vendors dito sa Pilipinas. Mayroong nagtitinda sa kariton, naglalako ng mga kakanin, mga balut vendors at iba pa. Kahit na isang marangal na paghahanap buhay ang pagtitinda, dapat ay sumusunod rin ang ating mga street vendors sa batas ng lipunan. '

Mayroong mga lugar na kung saan ipinagbabawal ang mga street vendors dahil nagiiwan sila ng kalat o di kaya ay nakakantala sila sa normal na operasyon ng lipunan.Ngunit dahil marami ang mga bumibili ay napipilitan silang hindi sumunod sa batas. Tulad na lamang ng isang insidenteng nasaksihan ng isang netizen na ibinahagi niya sa kanyang social media account.

Ang pangyayari ay naganap sa Colon Street sa Cebu City. May mga awtoridad ang dumating at nagsagawa ng clearing operation sa mga kalye at kinumpiska ang mga karito na nakakalat sa high way. 

Naintindihan naman ng netizen na trabaho lamang ng mga awtoridad ang ginawang pag-iimpound ng mga illegal street vendors ngunit nang makita niya na pinupulot ng tindero ang mga nagkalat niyang mga panindang balut ay nalungkot ito.

Ayon sa kanyang caption, sana ay hindi na lang sana umabot sa ganoon ang pangyayari. Maaaring dinaan na lang sana sa maayos na usapan at hindi na kailangan pang tumapon ang mga iba't ibang paninda sa daan.

Na-witness rin daw niya kung paano trinato ang mga street vendors ng mga awtoridad na sana ay nag-usap na lamang sila ng mabuti at saka maayos na kinumpiska ang mga kariton. Hindi na sana pinagtatapon ang mga paninda dahil kung susumahin ay mahal din ang mga iyon.

Hinaing pa ng netizen na marangal na naghahanap buhay si kuya. Alam rin naman daw ng mga illegal street vendors na huhulihin sila ng mga awtoridad pero kailangan lang daw talaga nilang magtinda para may pangkain at mabuhay. 

Ang ibang netizens ay nagpahayag rin naman ng samu't saring komento. Narito ang kanilang mga comments.

"Yan diyan sila magaling. naghahanap buhay ng matino yong tao. sana naman kariton lang ang kinuha hindi yong ganyanin ang paninda."

"Sakit naman sa dibdib makita ito nagtatrabaho ng marangal. Kung lumabag man sa batas, warningan ulit. Sana inisip din ng gumawa nito may pamilyang naghihintay sa kita niya."

"Sana kinuha na lang yung kariton at binayaan nalang."

Comments

  1. Wlang puso nmn kau dapt wg naman nio itapon ung paninda ng tao KC pinahihirapn nyan San kinausap mun o kaya kinuha nlng ung kariton nya paano nlng mga anak nya any bitoka din cila nagogotom ganyan b tayong mga Pinoy wlang malasakit s kapwa...

    ReplyDelete
    Replies
    1. di lng mn kau naawa sa tao kau pa nmn anG TagapagtAnggol ng bAYaN tapus kayo pa gumawa ng masama....di nyo alam ang hirap ng isang tao

      Delete
  2. Sana maisip ng mga nasa government sa atin na mag bigay sila ng lugar sa mga ito kung saan sila ay malaya na pwedeng mag lagay ng pwesto. na hindi humahantong sa ganito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. minsn hndi nyo alm un pinangpupuhanan p nila minsn nanggaling p s 5'6 n bnbyrn nila mkpghnp buhay lng a pra mbuhay..nagtatrabho nmn cla ng maayos hndi nmn cla ngnnkw.sna wg nmn gny..kwawa nmn.....IDOL RAFFY TULFO PKIACTIONAN NMN KWAWA NMN UN MTNDNG NGHHNP BUHAY

      Delete
  3. Madadaan nman sa usapan yun eh grabe nman yun ginawa sa kanya wlang puso at kaluluwa

    ReplyDelete
  4. Alam naman po naming trabaho lang ang ginagawa nyo pero sana po konting konsiderasyon sa naghahanap buhay ng marangal kung kariton lang bang kailangan nyo kuhanin nyo ng maayos Hindi ung pati paninda ng tao gaganyanin nyo Hindi nyo alam na nababaon sa utang bang mga yan para lang may pang puhunan tapos gaganyanin nyo lang tapos magtataka kayo kung bakit dumadami ang mga pusher at magnanakaw sa pilipinas papanong Hindi makakaisip ng Ganon bang mga tao e naghahanapbuhay ng maayos tapos wawasakin nyo mga paninda konting respeto lang po sana mga sir

    ReplyDelete
  5. Qganyan talaga palibhasa magaganda trabaho at may pera Kung tatrutuhin niyu Yung mas mabababa parang hayop tao din Yan naghahanap buha para SA pamilya dapat nga matuwa pa kayo kasi Hindi illegal Ang tinitinda ..mga Pinoy nga naman oh.sana may taong Kaya kayung patayin Ng harapan para makatikim din kayu Kung anung sakit nanararamdaman nila.

    ReplyDelete
  6. We Filipinos are hard headed, sabi ng bawal pero tuloy pa rin ginagawa, at kapag humantong na sa ganitong sitwasyon hayan na at magsisihan na.., ano ba talaga kuya ha

    ReplyDelete
  7. Yahh yahh we filipinos are hard headed, they don't have discipline at all, if we have a discipline in our own community there's no danger that will happen. Just like motor cycle they are hard headed...

    ReplyDelete
  8. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  9. Kung sana sumunod sila s batas di sana humantong pa sa ganun, wag sisihin ang awtoridad na nqgpapatupad lamang ng batas , lahat tau gusto ng pagbabago at malinis na japaligiran at malawak na daanan sana sumunod tau sa patakaran , ika nga bakit pinaabot nila sa ganun na masayang tinda nila. Gusto pa nila matuto in a hard way . Am sure di na sila uulit this time.

    ReplyDelete
  10. Sa side ko..sana dinaan sa maayos na paraan.at wag dana takotin m€a taong naninda para sa ikabubuhay ng pamilya nila..pera yon.eh.d nila hiningi yan. Capital nila yon..ung iba nga inutang pa nila..WAG NAMAN SANA GANON.KAWAWA NAMAN..NGKALAT YONG MGA BENTA NILA..WAG MASYADONG MARAHAS AT MALUPIT MGA SIR..MAY PUSO KAYO DBA???😡😡😡😡

    ReplyDelete
  11. Bakit naman po itinapon..hanap buhay at ginastusan din nila ang paninda na itinapon nila.bakit po naman ganun?? Marangal na natatrabaho ung tao tapos ganyan po ang ginawa nyo.di naman makatarungan yan..tulad rin naman nyo sila hanap buhay ang hanap ..kawawa naman po...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Dating Beauty Queen na si Dayanara Torres, Lumalaban Ngayon Sa Isang Malubhang Karamdaman

Isang Bata ang Sumakabilang Buhay Matapos Kumain ng Kangkong Dahil Mayroon Itong Linta

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo

Ito Pala ang Dahilan Kung Ano ang Nangyari sa Mata ng Aktor na si Randy Santiago