Nilagari Ng Lalaki Ang Isang Malaking Alkansya Na Tangke Ng Tubig Na Punong-puno Ng Mga Barya



Ang pag-iipon ng pera ay napaka-importante. Mahirap mang mag-ipon ay kailangan itong gawin dahil mas mabuti na may naitatabi kang pera para kung sakaling nangailangan ka sa hinaharap ay mayroon kang madudukot sa iyong bulsa. 

Ang bawat tao ay may kanya kanyang style sa pag-iipon ng pera. Kung karamihan ngayon ay naglalagay ng ipon sa bangko, mayroon paring mga taong gumagamit ng tradisyunal na pag-iipon ng pera, ito ay ang paghuhulog sa kanilang alkansya.

Kung noong unang panahon ang alkansya na ginagamit ay gawa lamang sa kawayan, ngayon ay nagiging creative na rin ang mga Pinoy at maging ang tanke ng tubig ay ginawa na ring isang malaking alkansya!

Ibinahagi sa isang video ni Benigno Jun Rambo Lacap Jr., kung paano binuksan sa pamamagitan ng metal grinder ang isang lalaking nakasando ang isang tangke ng tubig na naglalaman ng napakaraming mga barya.

Ayon sa caption ng video, bago pa raw makuha ng madali ang ipon ay kailangan pa nila itong i-cutting yong tangke ng tubig.

Habang maingat na nilalagari ang taas na bahagi ng tangke, nagsalita ang isang lalaki at sinabing,

"Dahan dahan pre, baka ung pera maano."

Hindi ganoon kalinaw na maririnig ang kanilang pinag-uusapan dahil sa ingay na nangmumula sa metal grinder ngunit tiyak na na-eexcite ang lahat na mabuksan na ang mala-higanteng alkansya.

Sabi naman ng isa nilang kasama, "Isang taon yata bago napuno yan ah!"

Sa wakas, makalipas ang ilang minuto ay unti-unti na nilang nabubutasan ang bakal na tangke ng tubig. Nagsisimula na ring maglaglagan ang mga samu't saring barya na may halagang limang piso at sampung piso.

Nang matanggal na ng buo ang takip ng tangke ay kinailangan pang ugain ng dalawang lalaki ang tangke upang mahulog lahat ng mga barya. Pagkatapos nito ay nilikas nila ang mga pera sa mga palanggana.

Hindi man sinabi kung magkano ang nilalaman ng buong tangke ng tubig ngunit tiyak na nakaipon sila ng napakalaking halaga.


Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Magsasaka Na Nakatanggap Ng Money Bouquet, Ginamit Ang Pera Pambili Ng Traktora

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Nanay Hirap Na Hirap Kandungin Ang Kanyang Anak Na Nakatulog, At Ang Masama Ay Wala Man Lang Nag-alok Sa Kanya Ng Upuan

Ginawa Ng Estudyanteng Ito Ang Improvised Ballpen Na Gawa Sa Kahoy Dahil Pursigido Siyang Makapag-aral Kahit Wala Siyang Gamit