Paano nga ba Tumangkad? Narito ang Limang Tips Para Sa Iyo!







Magmula mapanganak hanggang sa edad bago  magdalaga o magbinata, nadadagdagan ng 2 inches kada taon ang ating height. At kapag  naabot na ang edad kung saan binate o dalaga na ang isang tao ay umaabot hanggang 4 inches ang nadadagdag sa ating height kada taon.

Ayon sa pag-aaral, nasa 60-80 percent ng ating height ay mula sa ating genes at ang natitirang percent naman ay mula sa ating ginagawa araw araw tulad na lamang ng pagkaing ating kinakain at pageehersisyo.




Para ma-achieve natin ang gusto nating height narito ang ilang tips na makakatulong maabot iyon.

1. Sanayin ang Magandang Postura
Ang baluktot na pangangatawan ay nagbibigay sa atin ng impresyon na maliit o kulang sa height. Kaya naman para magmukha tayong matanggad panatilihin natin ang magandang postura, nakakatulong rin ito sa pagdagdag ng ating height.

2. Kumain ng Masustansyang Pagkain
Hindi lang nito napapaganda ang kalusugan kundi nakakadagdag rin ng height. Dahil sa panahon na nangangailangan ng sustansya ang ating katawan, kailangan nating kumain pa ng mas maraming masustasyang pagkain tulad na lamang ng prutas, gulay, kanin, protina at dairy.





3. Matulog ng Maaga
Madalas natin itong marinig mula sa ating mga magulang ang mga katagang ito para tayo ay tumangkad, tama naman sila sa mga katagang ito dahil nakakatulong sa pagtangkad natin ang 8-10 oras na tulog. Dahil sa Pagtulog, nadadagdagan ang ating mga growth hormones sa pituitary gland na sanhi ng pag-improve ng ating height.

4. Regular na Pag-eehersisyo
Ang regular na pag-eehersisyo ay maraming benepisyo sa ating katawan na tulad na lamang ng pampatibay ng buto, pinapanatili ang ating timbang at marami pang iba. Kaya naman sa tulong ng pag-eehersisyo nadedevelop nito ang ating buto upang lumaki o tumangkad ang isang tao.

5. Ugaliing uminom ng Maraming tubig
Bakit nga ba nangangailangan ng tubig ating katawan? Dahil sa mga t0x!ns na kaya nitong hugasan o alisin mula sa ating katawan para tayo ay maging malusog at nakakatulong rin ito na magbigay ng magandang pagtangkad na gustong makamtan ng mga tao.



Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso