Para sa mga Buntis, Ito ang mga Pagkain na Maaaring Magdulot ng Pagkawala ng Bata sa Sinapupunan




Lubos na nakakatuwa na malaman mong ikaw ay isa na sa miyembro ng mga Ina. Hindi maipaliwanag ang iyong nararamdaman dahil naghahalo ang saya, galak at takot. Ang pagiging isang Ina ay napakalaking obligasyon. Kaya naman sa panahon ng pagbubuntis ay talagang pinag-iingat ang bawat kilos at pagkain. 

Karaniwang kinakain ng mga buntis ay ang mga healthy foods ngunit hindi natin alam na ang ibang mga pagkain ay may masamang dulot o epekto sa kalusugan ng bata. May mga ilang pagkain na nagiging sanhi ng pagkal@glag ng bata sa tiyan ng isang Ina.

Kaya naman alamin kung anu-ano ang mga ito nang sa gayon malaman kung ano ang mga pagkain na dapat iwasan.

Ito ang mga pagkain na maaaring maging sanhi ng pagkawala ng bata sa sinapupunan:

1. Pinya




Ito ang kauna-unahan sa listahan dahil isa ito sa mga pagkain na maaaring maging sanhi ng pagkawala ng iyong pinagbubuntis. Sa panahon na malaman mong ikaw ay buntis, iwasan mo na ang pagkain ng pinya sa iyong unang tatlong buwan na pagbubuntis dahil ito ay mayaman sa nilalaman na bromelain. Nakapagdudulot ito ng pagnipis ng cervix. Pangunahin rin itong sanhi ng pagkaramdam ng pagsiklab ng ating tiyan.

2. Papaya


Kilala ang papaya na nakatutulong sa mga taong hirap sa pagdumi. Ang mga buntis ay madalas na makaranas ng karahirapan sa paglabas ng mga dumi sa kanilang katawan. Ngunit ang pagkain ng papaya ay maaaring maging delikado para sa kanila. Pinag-iiwas ito sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis dahil sa kaniyang nilalaman na nakapagsisimula sa paglabor ng isang buntis hanggang sa maging malakas ang puwersa ng paghilab na siyang magreresulta sa pagkawala ng bata sa sinapupunan ng Ina.



3. Pag-inom ng Kape at Tsaa

Sa mga buntis ay kailangan mo nang iwasan ang kaugalihang pag-inom ng tsaa at kape. Bakit? Dahil maaaring maging sanhi ito ng pagkal@glag ng iyong baby sa sinapupunan. Bukod pa rito, ang nilalaman na caffeine ng kape ay nakapagdudulot ng mababang calcium at nakakapagdulot ng dehydration sa katawan. Kaya naman imbes na uminom ng kape, dagdagan na lamang ang pag-inom ng tubig upang bumuti ang kalusugan ng iyong baby. Samantala, ang tsaa ay hindi rin nakabubuti sa buntis at sa isang nanay na nagpapadede ng kaniyang anak.

4. Bunga ng malunggay


Karaniwang nakikita ang malunggay sa ating bakuran. Itinuturing ito na isang 'super food' mula sa puno, bulaklak, dahon at bunga ay lubos na kapaki-pakinabang. Ngunit alam mo ba na ang bunga ng malunggay ay hindi nakabubuti sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis? Bukod sa kaniyang nilalaman na mga benepisyo ay may nilalaman itong alpha-sitosterol na siyang magdudulot ng nakakatakot na pangyayari kung saan sanhi ng pagkalagl@g ng bata.

5. Mga Delatang pagkain at inumin

Ang E.coli na nilalaman ng mga delatang inumin ay nakakaapekto sa bata. Ito rin ang pangunahing dahilan ng pagkawala nito sa tiyan ng kaniyang Ina. Kaya naman imbes na uminom ng mga delatang fruit juices, Gumawa na lang ng sariling juice mula sa inyong sariwang prutas. Bukod pa rito, iwasan kumain ng mga naka de latang pagkain. Tulad na lang ng isdang tuna, salmon, salamis, at sausage. Ang mga ito ay naglalaman ng kontaminadong bakteria na tinatawag na Listeria. Sa pagkain nito ay may epektong hatid sa iyong dinadala na siyang nagdudulot ng pagkalason sa dugo at maging sanhi ng pagkalagl@g ng bata.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Netizens Naawa At Tinulungan Ang Isang Vendor Na Na-impound Ang Motor Na Ginagamit Niyang Panghanap-buhay