Pinaka Bongga at Pinaka Mahal na Wedding ng mga Artista!




Hindi maiiwasan ang bonggang wedding celebration ng mga artista sa Showbiz industry. Ang ilan dito ay gumagastos talaga para sa kanilang wedding upang masatisfy nila ang kanilang mga bisita at maging maganda ang kanilang most memorable day ng kanilang buhay.

Balikan natin ang mga artista na may pinaka bongga at pinaka mahal na wedding sa Showbiz!

1. Hayden Kho at Vicki Belo



Nasaksihan ng lahat ang mala fairytale na kasal ng celebrity doctors na sina Hayden Kho at Vicki Belo. Ginanap ang kanilang kasal sa Paris at mahigit 250 na guest ang dumalo sa kanilag kasal. Matapos ang 12 years na taon na pagsasama, sila ay nagpakasal sa The American Church in Paris and Opera Garnier at ayon sa mga reports, tumatayang 80 million ang nagastos ng celebrity doctors na ito para sa kanilang kasal.


2. Dingdong Dantes at Marian Rivera





Isa rin sa tinutukan ng manonood ang kasal nina Marian at Dingdong sa Mall of Asia Arena. Sila ang kauna-unahang celebrity couple na nagpakasal sa Moa Arena. Walang eksaktong presyo kung magkano ang nagastos ng dalawa sa kanilang kasal, pero sa wedding gown palang ng aktress ay sinasabing ito ay humigit kumulang ng 2 million pesos na gawa ni Michael Cinco.

3. Bang Garcia and Lloyd Birchmore






Ang aktress na si Bangs Garcia at ang kanyang Filipino-British boyfriend na si Lloyd Birchmore ay nagpakasal ng hindi lang isa kung hindi tatlong beses! Noong 2016, sila ay nagkaroon ng civil wedding sa England. Pagkatapos nagkaroon ng Beach Wedding ang dalawa at sinabi ng aktress na hindi ito ang kanilang pangalawang wedding dahil nagkaroon pa sila ng isa pang Private Wedding na hindi nila ipinaalam sa media.


4. Paul Soriano at Toni Gonzaga



Matapos ang 8 years nilang pagsasama, nagpakasal ang dalawa sa isang simbahan sa Taytay. Ang wedding nila ay exclusive lang para sa kanilang mga family at friends. Private wedding ang kanilang kasal pero makikita sa kanilang reception na bonnga ang design at kilalang personalidad din ang dumalo sa kanilang wedding.


5. Maxene Magalona at Rob Mananquil

Isa rin sa pinakabongga na kasal ay ang wedding nina Maxene Magalona at Rob Mananquil sa Shangila Boracay Resort and Spa. Bago ito ikasal sa kanilang beach wedding, nagkaroon na din ng private church wedding ceremony ang dalawa sa Manila.

6. Karylle at Yael Yuzon 















Ang aktres na si Karylle at ang singer na si Yael Yuzon ay ikinasal sa San Antonio de Padua Church Silang Cavite at mahigit 150 guest ang dumalo sa kanilang kasal kasama na ang mga kilalang sikat na artista at personalidad

7. Anne Curtis at Erwann Heusaff




Ang kasal nina Anne Curtis at Erwann Heausaff ay sinasabing "minimal" at "simple" kahit na ito ay ginanap sa New Zealand. Isa rin ito sa pinakmahal na wedding dahil sa ibang bansa ang kanilang location at halos lahat ng kanilang guest ay puro artista.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso