Sa Wakas Ay Nakilala Ng Babaeng Ito Ang Doktora Na Nagligtas Sa Kanyang Buhay Noong Bata Pa Lang Siya



Napakarami ng istorya ang nabahagi tungkol sa kabutihang loob na ginagawa ng ating kapwa. At ang mga ito ay nagsisilbing inspirasyon sa bawat isa sa atin upang ipagpatuloy ang pagtulong at paggawa ng mabuti.

Hindi mo aakalain na kung sinong tinulungan mo ngayon ay siya rin ang makakatulong sa iyo pagdating ng panahon. Ang pagtulong ng bukal sa loob ay mas matimbang kaysa sa pagtulong ng may hinihintay na kapalit.

Ang babaeng ito kinilala bilang si Arabella Garciano isang senior high school sa Tagbilaran City High School ay nagbahagi ng isang letrato sa kanyang social media account kasama ang isang doktor na tumulong sa kanya noong siya ay sanggol pa lamang. 

Si Arabella kasi noon ay  mayroong sak!t at ang kanyang ina ay walang perang pambayad para sa pagpapagamot. 

Labing pitong taon ang nakalipas noong sanggol pa lang si Arabella nang makitaan siya ng bukol sa kanyang dibdib. Ang kanyang ina noon ay mayroon lamang P40 sa kanyang wallet at walang pera para ipaopera ang kanyang anak. Ngunit ang mabait na doktorang ito ay tinulungan ang mag-ina at hindi naningil ng kahit magkano.

Nakilala ang mabuting doktora na si Dr. Maribel Du, isang pediatric surgeon ng University of Cebu Medical Center. 

Dahil sa kabutihang loob at pagtulong ng doktora ay lumaki si Arabella na malusog at masigla. Naging inspirasyon niya ang kanyang doktora upang tumulong rin sa kanyang kapwa. 


Pangarap niya na balang araw ay maging isa rin siyang doktor upang makatulong rin siya sa ibang taong nangangailangan katulad ng pagtulong na ginawa sa kanya ng kanyang doktor.

Hindi man ganoon kadali ang maging isang doktor dahil sa haba ng prosesong iyong pagdadaan, ngunit tiyak na malalampasan ito ni Arabella dahil sa motibasyon nito na masuklian ang magandang asal na pinakita sa kanya, hindi man sa doktor na tumulong sa kanya ngunit para rin sa ibang tao.

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!