Tindero Na May Kapansanan, Ilang Beses Mang Ninakawan Ay Nagsilbi Pa Ring Inspirasyon Sa Nakakarami


Mayroong mga tao na kahit may kapansanan ay nanatiling nagsisikap para makapag-hanap buhay ng marangal. Ngunit mayroon talagang mga tao na walang puso na kahit walang kapansanan ay gumagawa ng masama sa kanilang kapwa. 

Ang kwento ng isang lalaking may kapansanan na taga Tiaong, Quezon ay nagsilbing inspirasyon sa mga netizens lalo na't noong malaman ang kanyang naging mapait na karanasan. 

Ang lalaki ay kinilala bilang si Kuya George Belarmino. Siya ay isang tindero ng mga prutas at gulay na sakay-sakay ng kanyang tricycle na naka-modified para sa kanya dahil sa kanyang kapansanan. 

Kahit sa kanyang kondisyon ay nagsusumikap ito na makapagbenta nga mga paninda sa kanyang mga suki. Ngunit nang malaman ng ibang masasamang tao na mayroon itong kinikita, ay pinagkainteresan ang pera na kanyang nakuha sa pagtitinda. Hinarangan ang kanyang tricycle at siya ay ninakawan. 

Siya ay sinaktan at maswerte lamang siya dahil siya ay nakaligtas. Ilang araw din siyang nanatili sa ospital at nang lalabas na ito ay prinoblema ng kanyang pamilya kung paano sila makakabayad dahil ang tanging income ng kanilang pamilya ay ang kabuhayan ni Kuya George na pagtitinda ng gulay. 

Nang malaman ng mga netizens ang istorya ni Kuya George, ay tinulungan ito para makapagsimula muli at nagdonate sila ng pera para pambayad sa mga gastusin niya sa ospital. 

Dahil sa pagsisikap at determinasyon, ay bumalik ito sa pagtitinda. Ngunit nang makita na kumikita  muli ang kanyang kabuhayan ay muli itong pinagkainteresan ng mga masasamang tao. Pinagtangkaan din ang kanyang buhay maging ang buhay ng kanyang pamilya. 

Walang perang natira upang makapag-pundar muli siya ngunit sa kabutihang palad ay muli siyang tinulungan ng ibang tao. 

Ngayon, muling bumalik na si Kuya George sa marangal na paghahanap buhay kahit na ganito man ang kanyang kalagayan at kahit ilang beses man na may nangyaring masama sa kanya. Naging inspirasyon siya sa iba dahil sa kanyang kasipagan kahit na siya man ay nakaranas ng mapait na karanasan noon at nanatili pa rin siyang positibo sa buhay.

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Bansang Japan, Namimigay ng Libreng mga Abandonadong Bahay sa Kung Sino Man ang Gustong Tumira

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!