Viral Ang Isang Babaeng Nagsuot Ng Plastic Bag Habang Nasa Bakasyon Sa Hong Kong



Sa ating panahon ngayon ay nauso na ang "OOTD" o ang "outfit of the day." At kadalasan sa mga nagta-travel lalo na sa ibang bansa ay talagang pinaghahandaan nila ng toda maging ang kanilang susuotin sa kanilang buong trip. 

Ngunit ibahin natin ang babae na ito na naka-isip ng isang genius na ideya habang sila ay nagbabakasyon sa isang waterpark sa Hong Kong.

Kinailangang bumili ng kapote si Angelie Janelle Orleans upang hindi siya mabasa sa pag-sakay nilang magkakaibigan sa isang waterpark ride sa Ocean Park sa Hong Kong. Ngunit imbes na gumastos ito sa kapoteng may halagang 40HKD o higit sa Php 260 ay naisipan na lamang niyang magsuot ng isang plastic bag.

Shinare ng kaibigan ni Angelie na si Jerwyn Buenaventura sa kanyang social media account ang letrato ni Angelie habang suot suot ang SM green plastic bag na mayroong caption na: 

"Who are you wearing today?"
"Angelie Janelle Orleans: Henry Sy"

Nauso sa mga fashion magazines ang "who" are you wearing na linya na ang ibig sabihin ay kung sinong designer ang gumawa ng suot na outfit. 

Hindi naman isang fashion designer ngunit kilala si Henry Sy bilang pinakamayang tao dito sa Pilipinas dahil sa pag-mamayari ng empire ng mga SM Malls at naisama rin siya sa isa sa mga pinakamayamang tao sa buong mundo.

Maaaring ang ideya ni Angelie ay isa lamang katuwaan, ngunit umangat naman ito dahil nadala niya ang kanyang porma na suot ang green plastic bag na ginawa niyang parang sando na nag-match naman sa kanyang red trackpants at shades. 

Ayon sa kaibigan niyang si Jerwyn, sila ay sasakay sa waterpark ride na The Rapids ngunit ayaw nilang mabasa ang kanilang damit. Naisipan sana ni Angelie na ilagay sa plastic na lang ang kanyang mga sapatos at bumili na lamang ng kapote. Ngunit mas naging matipid at maganda ang kanyang naging ideya na plastic sando.

Hindi man naging maganda ang kanyang OOTD ay tiyak na nag-enjoy naman siya at nakatipid pa.

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!