Mabait Na Security Guard Inilibre At Pinakain Ang Mga Batang Kalye Sa Isang Fastfood

Kadalasan sa mga business tulad ng mga restaurant at malls, trabaho ng mga security guard ang bawalan ang mga pulubi at batang kalye na manghingi ng limos sa labas nga mga establisyementong ito. Ito rin kasi ay isang paraan upang maprotektahan ang mga kanilang mga customers at mamimili. Ngunit ang isang security guard na ito ng isang fastfood ay nagviral dahil sa kanyang ginawang pagtulong sa mga batang kalye. Ang netizen na si Jhanna Tiemsin ang naka-witness at nagbahagi ng larawan ng mabait na kuyang security guard kasama ang mga batang pulubi. Ito ay nakuhanan sa isang outlet ng Mcdonald's sa Malolos, Bulacan. Isinulat ni Tiemsin sa kanyang social media account: "Walang kaarte-arteng nilibre at sinabay na kumain ang mga batang kalye. Sana yung mga may kaya sa buhay, di nagsasayang ng pagkain. Kasi yung iba kailangan pang manghingi o mamalimos o di kaya minsan maghintay ng tira-tira ng kapwa nila, makakain lang. Sana tularan natin si Manong