10-Anyos na Bata ang Rumampa at Bumili ng Asukal sa Tindahan Suot ang 5-Inch Heels








Kung nagulat ang buong Pilipinas sa social media noong bumili si Heart Evangelista ng corned beef at suot ang magarbo niyang OOTD (Outfit of the Day) at pinabilib ni Catriona Gray ang buong universe dahil sa kaniyang tinaguriang lava walk ay tila may isang bata ang humamon sa dalawang certified na fashionista.

Kalat ngayon sa social media ang isang sampung taong gulang na bata na nagngangalang Denver Jay “Jhaypot” Orbeta dahil sa pagbili niya di umano ng asukal sa tindahan. Ngunit hindi lang dahil sa kaniyang ginawa, ngunit dahil sa kaniyang suot noong araw na yon. Dahil ang bata ay may suot suot na pares ng 5-inch heels at akala mo ay kasama  siya sa isang fashion show dahil sa kaniyang paglakad o pagrampa sa kalsada.






Sa facebook post ng kaniyang kuya na si Arjhay Orbeta ay pinost nito ang larawan ni Jhaypot na bitbit ang isang pakete ng asukal habang ito ay nakapambahay at may suot na 5 inch heels. Sa caption ni Arjhay sa kaniyang post: “Bibili raw siya ng asukal pero naka 5 inches na heels. Hahahaha,” ay nagtrending ang kaniyang kapatid.

Dahil sa ginawa ng bata na pagrampa habang hawak ang asukal ay binansagan ngayon itong “sugar walk” kasunod ng mga signature walks ng mga beauty queens ng Pilipinas. Madaming netizens ang natuwa sa ginawa ni Jhaypot na talaga naman naaliw sila. Narito ang ilan sa mga komento nila: “Jepooooot, nakaka-good vibes ka talaga…” “Proud mama here. FYI- pakihanap ang batang ito at private message me guys,” sabi ni Loresca na isang kilalang personalidad dahil sa pagrampa suot din ang matataas na heels. 


Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!