5 Natural Na Solusyon Para Sa Nasirang Buhok o Damaged Hair



Sa dami nang iba't ibang hair products na inilalagay natin sa ating buhok, hindi malabong ito ay magiging dry, maging buhaghag, at masira. Tulad nga ng kasabihan na ang ating buhok ay ang crowning glory, marapat lamang na ito rin ay alagaan. 

Pero kung ang mga hair products na ginagamit mo upang mapaganda ito ay puno naman ng kemikal, hindi rin ito maganda sa kalusugan. Kaya ang mas makakabuti ay kung gagamit na lamang ng mga natural na remedyo na bukod sa swak sa bulsa ay safe pang gamitin. 

Narito at alamin ang mga natural na solusyon at remedyo para sa nasirang buhok o damaged hair.

1. Butter

Ang butter ay may taglay na oil kaya naman ito ay maganda para sa nag-dry na buhok. Ang kailangan mo lamang ay piliin ang unsalted butter. Maaari ito ay i-melt ng kaunti upang ang texture nito ay tamang-tama upang imassage sa iyong buhok. Matapos lagyan ang buhok ay ibalot ang ulo gamit ang showercap o plastic wrap. Siguraduhing naka-cover ang lahat ng iyong buhok. Iwanan ng isang oras bago banlawan. 
2. Avocado

Ang avocado ay magandang gawing hair mask dahil ito ay puno ng nutrients na nakakatulong sa pagpapatibay ng mga hibla ng buhok. Ngunit bukod dito, ang pagkain ng kalahating avocado kada araw ay nakakapag-improve ng hair growth. Upang gawin itong hair mask, i-mash lamang ang avocado hanggang sa paging itong parang paste saka iapply sa buhok.

3. Apple cider vinegar

Akala ng iba na ang suka dahil sa maasim na amoy nito ay nakakapagpatuyo ng buhok. Sa katunayan, ang suka na apple cider vinegar ay benepisyal sa buhok. Dahil ito ay nagtataglay ng mga enzymes, amino acids, protina, bitamina at mineral na nakakatulong sa damaged scalp. Mayroon din itong antibacterial at antifungal properties na nakakapag-improve sa pH level ng anit at buhok at panlaban rin sa split ends.

4. Itlog

Ang itlog partikular ang egg yolk ay nakakapagdulot ng magandang bagay sa buhok. Ito ay nagtataglay ng mga nutrisyon at bitamina na nakakapagprotekta sa mga hibla laban sa pagkasira. Nakakadagdag din ito sa kintab ng buhok. Batihin ang itlog at dagdagan ng kaunting olive oil upang maging hair mask. Ipahid sa buhok at ibalot ng showercap. Tandaan lamang na nagiiwan ng hindi maganda amoy ito sa ulo kaya dapat ay banlawan ng maigi.

5. Onion juice at coconut oil

Ang katas ng sibuyas ay nakakatulong sa daloy ng dug0 sa ating anit. Mayroon din itong antibacterial properties na nakakapagpigil sa balakubak. May iilan din na nagsasabi na ito ay nakakapagpabagal sa pagdami ng puting buhok. Ang coconut oil naman ay nakakapagpakapal at nakakapagbalik kintab ng buhok. 

Kapag pinaghalo ang dalawang ito, nakakatulong ito sa pagkapal ng buhok at nakakapagpatibay sa mga roots ng iyong buhok. 

Comments

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!