Agaw Pansin ang Isang Kilalang Resort Sa Bulacan Matapos Itong Magmistulang Baha Kaysa Magmukhang Resort








Summer feels na dahil sa sobrang ini ay kanya-kanyang pa-book ang mga tao kung saan pwedeng magpalamig kagaya na lamang ng mga resorts na matatagpuan lalo na sa Bulacan. Karamihan kasi ng mga tao ay nagtutungo sa mga karatig beaches o resorts tuwing tag init. Mura man o mahal, mapa ilog man o sapa o dagat ay talagang dinarayo ng mga tao ang mga ito mapawi lamang ang tindi ng init na dulot na panahon at sinasamantala din nila ang kawalan ng pasok ng mga estudyante.

Dahil dito, isang post ng netizen sa social media ang naging viral ngayon dahil tila parang baha ang isang larawan na kung saan ay ito pala ay isang kilalang resort sa Bulacan. Ibinahagi ang larawan na kuha mula sa isang resort na punong puno ng tao sa entrance pa lamang nito hanggang sa loob mismo ng resort.






Sa unang tingin kasi sa post ng isang netizen ay tila parang nakalusong sab aha ang mga tao dahil sa kapal ng dumi ng mismong tubig kung saan naroon sila. Pero ang katotohanan ay ito pala ay isang swimming pool. Nagmistulan tuloy na parang evacuation center ang resort at hindi isang lgar kung saan pwedeng magrelaks ang mga tao. 

Samu’t saring mga komento naman ang nasabi ng ibang netizens na tila nandiri din sa pangyayari na naipost sa social media.  “Magkano ba ang entrance fee diyan? Wala na bang ibang resort? Parang 1% tubig 99% ihi na iyan ah. Parang hindi na kaya ng chl0rine masala ang dumi sa kapal ng mga tao.” “Dapat alam ng management ang capacity kung ilan lang ang pwedeng maligo sa bawat isang swimming pool, eh kapag ganyan na ang kulay ng tubig, I’m sure na napakarumi na ito’t hindi na ligtas languyan.”






Nagpaalala naman ang mga awtoridad na piliin mabuti ang mga pinupuntahan natin upang matiyak ang seguridad pangkalusugan. Kung alam natin na madaming tao sa isang lugar, mas mainam ng maghanap nalang ng ibang option upang paliguan. 



Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso