Alamin ang mga Mabisang Tips Para Bumango ang Inyong Paa!








Karaniwan sa isang tao ang magkaroon ng mabahong paa, lalong lalo na ngayong panahon na kung saan ay summer at madaling pagpawisan ang ating paa na nagiging sanhi ng pagbaho ng amo nito. Madalas nang pagpawisan pero ayos lamang iyon dahil naalis ang ilang dumi sa katawan, ang problema ay kung kakapit ang bakterya sa paa na dahilan ng pangangamoy nito na minsan pang nakukulob dahil sa suot na sapatos.

Madalas, nahihiya tayong tumabi sa ibang tao dahil nga maaamoy nila ang paa at baka kung ano ano nalang ang isipin nila kaya naman narito ang ilang tips para hindi ka na mahiya sa amoy na meron ang iyong paa. Hindi naman kailangan pa ng mga mamahaling gamit o ipinapahid para lamang maalis ang baho ng paa, dahil kailangan lang ay hugasan ito ng sabon araw araw para maalis an dumi at pawis na nagiging dahilan ng amoy nito. Tuwing naliligo o bago matulog dahil minsan mukha na lamang ang ating naiisip na alagaan, nakakaligtaan na minsan ang paa o saglit lang itong napapansin.





Hindi lang ang talampakan o ang itaas na bahagi ng paa ang dapat hugasan dahil pati ang gitna ng mga ito at ang ilalim na kuko ay kailangan rin para maalis ang mga nakasiksik na dumi rito. Mas mainam na kung mahaba ang iyong kuko sa paa ay dapat ng bawasan ito para hindi na sumisilid pa ang ilang dumi rito. Sa pamamagitan rin ng pag-eexfoliate, maaari ng makaalis ng ilang patay na balat sa paa na isa ring sanhi ng pangangamoy. 



Minsan naman ang paggamit ng moisturizer ay nakakatulong para mapalambot at mabigyan ng magandang amoy ang paa tulad na lamang ng peppermint o lavender. Ang pinakamabisang gamot sa paa ay ang pagpapanatiling tuyo rito dahil ang pawis at basang paa ang dahilan kung bakit mas napapakapit pa sa paa ang mga bakterya kaya naman sa ganitong paraan parang sinisira na natin ang mga mikrobyo sa katawan.

Sa simpleng mga paraan lang maaari ng makaalis o makaiwas sa anumang problema kaya naman kung gano kasimple ganun rin sana kadalas ang ating paggawa dito para naman ng sa gayon mangyari na ang ating kagustuhang bumango ito.


Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso