College Student Ibinahagi Kung Paano Niya Pinagkakasya Ang 20 Pesos Na Allowance Niya Araw-araw Hanggang Nakagraduate Siya



Sa panahon ngayon, hanggang saan na lamang ba aabot ang bente pesos mo? Marahil marami ang magsasabi na ang benta ay para na lamang sa pamasahe, minsan ay kulang pa nga ito. Ngunit sinong mag-aakala, na ang bente pesos na allowance araw-araw ng isang college student na ito ay malayo ang mararating.

Ibinahagi ng Electical Engineering student ng Tarlac State University na si Robin Lee Metiam, kung paano siya naka-survive sa limang taon niya sa kolehiyo na Php20 lamang ang kanyang dalang baon araw-araw. Kung iisipin, napakahirap i-budget nito dahil paano nga naman tatagal ang bente pesos para sa buong araw. Ngunit hindi ito naging impossible para kay Robin.

First year college siya noon ng tuluyang mawalan ng trabaho ang kanyang ama. Pito silang magkakapatid, anim sa kanila ay nag-aaral pa, at ang kanilang ate ang nakapagtapos pa lamang ng pag-aaral. Napilitan din na magparaya ang kanyang kuya sa pag-aaral dahil hindi talaga kaya ng kanilang pamilya ang mga gastusin. Pinili ng kanyang kuya na si Robin na muna ang mag-aral.

Noong unang taon niya sa kolehiyo ang pinakamahirap na parte na kanyang pinagdaan dahil mula sa Php50 na baon niya noong highschool ay bumaba ito sa Php20. At ang halagang iyon lamang ang pinagkakasya niya sa buong araw. 



Ang kanyang allowance ay napupunta lamang sa pamasahe niya papuntang eskwela at pauwi sa bahay. Ang natirang sukli ay ipinambibili na lamang niya ng palamig o kendi.

Nang nakatuntong siya sa pangalawang taon sa kolehiyo ay mas humirap ang kanilang buhay dahil sa pagtaas ng mga bilihin at pagdami ng gastusin. Napilitan si Robin na maging isang working student, mag-aaral sa umaga at tutor sa gabi. 

Kahit papaano ay gumaan ang bigat na pinapasan ng kanilang pamilya dahil sa panahong ito ay siya na ang nagbibigay ng baon sa kanyang sarili. Ngunit sinikap pa rin ni Robin na hanggang 20 pesos lamang dapat ang budget niya sa araw-araw. 

Nagtitipid pa rin siya kahit na siya ay isang working student. Dahil ang kanyang kinikita ay kanyang iniipon at ibinibigay sa kanyang pamilya upang siya ay makatulong. 

Hanggang umabot siya sa kanyang 5th year sa pagiging engineering student ay tiniyak niya na hanggang bente lamang dapat ang kanyang nagagastos. Pinagpatuloy niya ang ganitong lifestyle hanggang sa wakas ay nakapagtapos siya sa kolehiyo. 

Malaki rin ang pasasalamat niya sa Panginoon dahil nalaman niya kung paano mas lalong pahalagahan ang mga bagay-bagay na mayroon siya. Sa ngayon, ay unti unti ng nakakaahon ang kanilang pamilya. Nagkaroon na rin ng regular na trabaho ang kanyang ama, ang kanyang kuya at ate. 

Comments

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!