Dahil Sa Wedding Proposal Nasibak Sa Trabaho Ang Flight Attendant Na Ito



Uso na ngayon ang iba't ibang pakulo sa mga wedding proposals. At ang iba ay talaga namang gagawa pa ng kakaiba mapasagot lang ng matamis na 'yes' ang kanilang minamahal. Ngunit hindi lahat ng mga wedding proposal ay nauuwi sa success, ang iba tulad nito ay naging 'fail.'

Isang wedding proposal ang naging viral sa pagitan ng isang flight attendant at ang kanyang kasintahan. Marami ang na-touch sa ginawa ng lalaki dahil napaka-sweet ng kanilang moment habang ang kanyang girlfriend ay naka-duty bilang isang flight attendant.

Ngunit pagkatapos ng wedding proposal na ito ay natanggal sa trabaho ang babae. 

Hindi kinilala ang babae ngunit napag-alaman na siya ay nagtatrabaho sa China Eastern Airlines. Habang nasa flight, ang kanyang boyfriend ay lumuhod at hiningi ang kamay ng kanyang girlfriend at inanyaya na itong magpakasal. 

Talagang napaka-romantic ng kanilang moment, maging ang ibang mga pasahero ay napasaya at nakuhanan pa nila ng video ang dalawa.

Ayon sa flight attendant, wala itong kaalam-alam na magpo-propose na pala sa kanya ang kanyang boyfriend. 

"I really didn't know that my boyfriend would be proposing to me on this flight. Thanks for being my witnesses."

Ngunit sa kabila ng saya habang sila ay nasa himpapawid, nang makita ng kanilang kumpanya ang viral na wedding proposal video ay sinisante nila ang flight attendant.
a

Ayon sa mga airline officials, naging mali ang oras ng pagtanggap ng flight attendant sa wedding proposal ng kanyang boyfriend dahil nagdulot ito ng komusyon at disturbance sa mga pasahero. Ang flight attendant sa oras na ito ay napabayaan ang kanyang trabaho na passenger safety habang nasa flight. At ang negligence sa kanyang trabaho ay isang unforgivable offense kaya kinailangan siyang sibakin sa trabaho. 

Samantala, maraming netizens naman ang umalma at nagbigay ng iba't ibang reaksyon sa airline company at sinabing hindi makatarungan ang pagsisante sa nasabing flight attendant. 

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso