Endangered Baby Dolphin, Binawian ng Buhay Matapos Alisin sa Dagat ng Mga Turista Para sa Selfie








Isang endangered na baby dolphin ang binawian ng buhay dahil ang mga turista sa dagat ay iniahon siya sa tubigt at pinagkaguluhan para sa selfie. Ayon sa Argentina’s Wildlife Foundation, ang batang Franciscan dolhpine ay binawian ng buhay sa isang beach resort sa Santa Teresita sa Buenos Aires matapos itong pagpasa-pasahan ng mga turista. Binabato di umano ang hayop na parang tropeyo sa ere at hinayaan lang ng mga turista na humandusay ito sa buhangin pagkatapos.



Sa mga larawan na binahagi ng isang witness na si Hernan Coria, ang mga tao ay makikitang nakikipagselfie sa hayop na naghihingalo dahil sa pagkakaahon nito sa tubig. Ayon sa mga eksperto sa hayop, ang Franciscan species ay malapit ng maubos at kakaunti na lamang ang mga ganitong nilalang ng mga dolphin.




Ayon pa sa mga tagapangalaga ng hayop sa Argetina, ang Franciscan dolphin ay hindi makakatagal sa ibabaw ng tubig. Mayroon itong makapal at magaspang na balat na nagbibigay dito ng init kaya naman an gang pagbabago ng temperature ay nakakasanhi ng pagkatuyot niyo at maaring bawian ito agad ng buhay. Ayon sa isang spokesperson ng Peta, napakalupit ng mga turista dahil sa kanilang ginawa para lang sa isang selfie. Ano nalang kaya ang naging dulot nito sa mismong hayop at pati na rin sa nanay nito.

Ang Franciscan dolphin ay tinatawag ding Franciscan monks dahil sa kulay brown na balat nito. Matatagpuan lamang ang hayop na ito sa mga anyong tubig ng southeastern South America at mayroon na lamang bilang na 30,000 dolphins ang naitatala sa buong mundo.



Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!