Estudyante Ginamit Ang Tsinelas Bilang Eraser Dahil Walang Pambili Ng Gamit Pang-Eskwela
Mayroong mga bata sa mga public schools, kahit na sila nakakapasok sa paaralan ay wala naman silang pambili ng kanilang uniform, sapatos, papel, lapis, bag, notebook, pambura, etc. At dahil dito, naghahanap ng ibang paraan ang mga musmos na ito para mayroong silang magamit.
Katulad na lamang ng isang elementary student na ito na si Harold Labutong na estudyante ng Engracio M Castaรฑeda Elementary School sa La Paz, Tarlac.
Ang bata ay galing sa isang mahirap na pamilya na walang pambili ng mga gamit pang-eskwela. Sa katunayan, ang lapis na kanyang ginagamit ay noong nakaraang taon pa kaya naman ito ay pudpod na. Wala rin siyang magamit na pambura o eraser kaya ang ginagawa niya ay nanghihiram siya sa kanyang mga kaklase.
Isang araw, nanghiram siya ng pambura sa kanyang kaklase at sinabi nang kanyang kaklase na gawa lamang sa rubber ng tsinelas ang kanyang pambura. Dahil maliit na ito ay hirap na hirap si Harold upang burahin ang kanyang papel. Kaya naman naisipan niya ang ideya na gamitin ang kanyang sariling tsinelas bilang pambura.
Nang nakakabura ang kanyang tsinelas ay madalas na ito ang kanyang ginagamit na pambura sa kanyang mga mali sa papel. Napansin din ng kanyang guro na napakaliit na ng gamit niyang lapis, ngunit kahit hirap na hirap na ito sa pagsusulat ay nananatiling positibo pa rin ang bata para matuto at mag-aral.
Ayon rin sa kanyang guro na isang masipag at mabait na bata si Harold at hindi madamot. Kaya naman noong ang kanyang kaklase ang nanghihiram sa kanya ng pambura ay pinapahiram niya ang kanyang tsinelas para pambura.
Sa isang interview, tinanong ang bata kung ano ang gusto niyang maging sa pag-laki at nais raw niyang maging isang mangingisda tulad ng kanyang ama.
Nakakalungkot mang isipin, ang mga batang tulad ni Harold ay nakakaranas ng hirap sa kanilang pag-aaral dahil sa wala silang magamit na gamit pang-eskwela. Ngunit ang mga tulad niya ay totoong kahanga-hanga, dahil kahit na ganito ang kanilang nararanasan araw-araw ay nanatili silang positibo at may pangarap.
Kahit estudyante palang rin ako gusto ko tulungan yung bata kahit school supplies lang maibibigay ko. ����
ReplyDeletePaano po kami maka tutulong sa kanya?
ReplyDeletehow po? kahit school supplies lang
ReplyDeletehow po? kahit school supplies lang
ReplyDeleteSaang eskwelahan Po to?
ReplyDeletela paz tarlac nakalagay eh
Deletegrabe dinurog nya puso ko :'(
ReplyDeletepano kami makatulong sa kanya kahit school supplies lang mabigyan lng namin sya.
ReplyDeleteWant to help some kids?
ReplyDeletecheck nyo po ito .
https://www.facebook.com/bikolanongspiderman/photos/a.1305342636290074/1514985055325830/?type=3&eid=ARDJaLdMCU7G3AOe7b7c2s62ezuovNzZbjnrMI4DYEqWYxv890wjtKqovACj0i2U3LV6pbDLnrN1Z3BA&__xts__%5B0%5D=68.ARCErZRVcSLzKFH9gv98PdYol0dXOIvmX5_cFYVHKSjMKiS0UAxvNPKztmgg92VP62Fidpr5rNmP9sozon43CJBmWLHZjRgMFlWwQ_fH21cbH2n1M65U_xvGSRmZL7ArVk5ZxVW30OMEkecdO8N0K2klSgoqzeUD6YqeqrIUwmaXrhj4W6Uh0cem0WRpy9aYsdUPShFyrBl__Q8olpvQnxfnyCvhUHQ81NvPECLlHdRvl6Dtmk7xO40LjmhCA8tPZG-DqnwS4XoJ4pLjEH-bU4O0rNzxBKGRS3qG1JyedLQxmG6L63DyzMkxJwJxwuUs63q4KFxnZ58B5wNayC8n6SJp0jHxLwMIi5e6FmMRyFf6xBfr9MS-kHDqEkUKqCpU2s7QrgOKXb_fY-gt_I4ilxJ-_Dd6XuDj7mmT_UIv51Tm4oCuf2ycLOkrGA7SQtf_2gtaWZ-hr8OpnbsBX69NC8Yrqb0gF0qRJgVnzuUHmMk0FIBP5TBFNa0&__tn__=EEHH-R
pwede po makuha complete address po ng bata.. gusto ko po sana magpadala ng mga gamit pang eskwela.. salamat po
ReplyDeleteTarlac city po aq...saan po xa sa lapaz tarlac?
ReplyDeleteTaga saan po xa sa lapaz tarlac?
ReplyDeletePOSTINGS like this should give complete address para matulungan ang bata....otherwise para ano pa na na e post ito......our group has been giving school supplies to poor pupils every June and in between semester for 20 years now....to an Elementary school nearest our PEACE CENTER.....marami namang gustong tumulong...pero kung walang address....wala rin.....
ReplyDeletenong elementary din aq kpag wala aq pambura, tsinelas dn ginagamit q,.yan ung batang may pangarap sa buhay.
ReplyDeletemahirap man cla ngaun ..pag nakatapos yang batang yan yanang araw aangat din ang buhay nila..gaya lng din namin dati kaming nakatira sa kuluNgan ng baboy pero ngaun my sarili na po kaming bahay ..wag mamaliitin dahil hanggat my paniniwala ka sa dyos mag babago ang takbo ng buhay mo ๐๐..sharing lng ..๐๐
ReplyDelete