Estudyante, Viral Matapos i-photoshop ang Larawan ng Kaniyang Klase Dahil sa Drawing na Lakad








Palagi ba kayong gumagawa ng lakad ngunit hindi matuloy tuloy? Palagi ba kayong nagiipon ngunit nakakansela ang mga planadong lakad niyo? Puro man drawing ay maaring darating din ang panahon na makukulayan ninyo iyan! Gaya na lamang ng isang bata mula sa Laguna na talagang nag viral dahil sa kaniyang ginawa matapos makansela ng ilang beses ang lakad ng kaniyang buong klase.

Mula sa pagpunta sa Enchanted Kingdom hanggang sa Vigan at pati narin sa Hong Kong Disneyland. Matapos makansela ang pa ulit ulit na lakad ng buong klase ng bata na nagngangalang Angelo Saniano ng Multi Integrated School sa Calamba, Laguna ay naisipan nitong i-photoshop ang kaniyang buong class picture at ilagay ito sa iba’t ibang lugar at ito ay kaniyang pinost sa Facebook.





Ayon sa bata, marami daw kasing plano ang hindi matuloy tuloy kaya naisipan nito na kahit man lang sa picture ay nakarating sila at natuloy ang drawing na mga lakad. Mula sa kaniyang paggawa ng facebook album na kaniyang nilagyan pa ng title na “Saan Aabot ang Class Picture Niyo” ay ito ngayon ay viral na sa buong social media.





Sa ngayon ang kaiyang album ay mayroon ng mahigit sa 15,000 likes, 25,000 shares at humigit kumulang sa 3,000 na komento mula sa mga netizens na talaga namang natuwa sa ginawa ng bata. Ayon sa bata nais lang naman niyang may makitang mga memorya ng kaniyang masayang klase kaya naman niya ito naisipan. 

Maraming mga netizens ang natawa at nakaramdam ng pagkakatulad sa bata dahil sa mga ilang lakad din nila na hindi matuloy tuloy dahil sa mga maraming bagay. Natuwa din naman ang guro at mga kamag-aral ni Angelo na siya ngayon ay kanilang pinuri dahil sa kaniyang ginawa. Ngayon ay nagpplano na talaga sila ng tunay na lakad para naman may memorya silang magkakaklase na maari nilang balikan at pagusapan pagdating ng panahon.


Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso