Galing! Agaw Atensyon Ang Sariling Likha Na 'Graduation Gown' Ng Isang High School Student Na Ito


Isang 17 taong gulang na babae ay hinangaan dahil sa kanyang kahusayan sa pagiging malikhain. High school pa lamang siya ay nakitaan na ito ng potensyal na maging isang fashion designer balang araw. 

Sa kanyang Twitter account, nakilala ang estudyante na si Ciara Gan dahil sa pagdidisenyo niya na kanyang sariling graduation ball gown na siya rin mismo ang tumahi. Dinisenyo nito sa pamamagitan niya ng pagpinta na talaga namang angat ang naging kinalabasan.

Talagang pinaghandaan niya ito dahil ito ang kanyang isusuot para sa kanilang mahalagang event sa eskwela. Ibinihagi rin niya ang kanyang mga art sessions sa habang ginagawa niya ang kanyang masterpiece. Ang pag-conceptualize at pag-draft sa kanyang design ay umabot ng isang buwan samantalang ang pagtatahi nito ay inabot siya ng isa't kalahating linggo sa tulong ng kanyang mama. 

Limang araw naman ang inabot bago niya matapos pintahan ng mga makukulay na bulaklak ang kanyang gown. Kung mapapansin ay lilies ang mga bulaklak na kanyang ipininta dahil sa matagal na panahon niya na ito gusto.

Ayon sa kanyang post,
"I made and painted my own gown for my graduation ball! I painted over 80 flowers, sewed + stoned my dress with my mama and designed the whole thing myself.!"

Saad ng dalaga na nais lamang niyang ilabas ang hilig niya sa pagpinta at pagdidisenyo upang mabigyan ng sariling style ang kanyang graduation gown. Nais rin niya maging repleksyon ito ng kanyang personalidad.

"I want my gown to be a manifestation of who I am and the things that are closest to my heart, like the color green and the vibrant colors because that's who I am."

Isinisingit ni Ciara ang paggawa ng kanyang dress tuwing graduation practices hanggang sa matapos ito. At ang kinalabasan ay talaga namang napakaganda at napakaengrandeng tignan.

Dahil sa kanyang pagiging artistic, ay marami ang na-amaze sa kanya. Inulan rin ng papuri ang dalaga at umabot sa libo-libong shares ang kanyang post. Dahil sa kanyang creativity, siguradong malayo ang mararating ng batang ito.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso