Hinangaan Ang Matandang Lalaki Na Lumangoy Pa Sa Dagat Makagpagbenta Lamang Ng Ice Cream



Sa hirap ng buhay ngayon, mayroong mga taong handang hamakin ang kahit na anong trabaho masuportahan lamang ang kanilang pamilya. Mayroon ding mga matatanda, imbes na nasa bahay na lamang at nagpapahinga ay tumutulong pa ring maghanap buhay dahil kinakailangan.

At ang nakakamangha sa mga taong ito ay kahit na gaano man kahirap o kabigat ng kanilang trabaho ay pinagtityagaan nila ito at tuloy tuloy parin ang pagsusumikap makapag-hanap buhay lamang ng marangal.

Tulad na lamang ng isang matandang lalaki na nakapukaw ng atensyon ng isang netizen na si Ann Hernandez. Habang nasa beach si Ann at ang kanyang pamilya ay napansin niya ang isang lalaki na nagtitinda sa mismong gitna ng dagat.

Kung tutuosin, hindi gaanong pinapansin ang isang lalaki na lumalangoy sa dagat dahil abala ang ibang tao sa pagbabakasyon. Ngunit ang naka-agaw ng kanyang atensyon ay dahil ang lalaki ay  may bitbit- bitbit na ice box na nakasama niyang palutang-lutang sa gitna ng dagat.

Noong sumakay ng bangka sina Ann ay napansin niya na papalapit sa kanila ang lalaki dala-dala ang kanyang ice box. Noong una ay akala niya na nagsu-swimming lamang ang lalaki ngunit nagtataka siya kung ano ang laman ng ice box. 



Noong nakalapit na ito sa bangka na sinasakyan ni Ann at ng kanyang pamilya ay binentahan sila ng matandang lalaki ng ice cream at popsicles. 

Dahil sa kanyang kakaibang naranasan ay ibinahagi agad niya ito sa kanyang social media account. 

Agad namang nagviral ang kanyang post at maging ang mga netizens ay napahanga sa kasipagan ng matandang tindero ng ice cream. Dahil kahit ito ay may edad na ay pursigido pa rin siyang lumangoy sa dagat para makapagbenta lamang ng ice cream sa mga turista.

Hindi madali ang magbenta ng ice cream sa gitna ng dagat lalo na't hindi magandang nakababad ng matagal ang katawan sa tubig. Ngunit ang kahanga-hangang matandang tinderong ito ay hinamak ang trabahong ito kumita lamang ng pera para sa kanilang ikabubuhay.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso