Hinangaan Ang Pagtulong Na Pagbebenta Ng Isang Magandang Babae Sa Isang Popcorn Vendor



Ang pagtulong at paggawa ng mabuti sa kapwa ay walang pinipiling oras. Katulad na lamang ng istorya ng isang napakaganda at napakabait na babae na natunghayan ng isang netizen.

Isang magandang babae ang naging viral sa social media tapos bansagan na "Popcorn girl." Nakita siya ng isang netizen na si Keren Kazia Bondad Casa na nagbebenta ng popcorn sa Mabalacat City, Pampanga. 

Nakilala ang magandang babae na si Lourilyn Caye. Sa katunayan, hindi naman talaga siya ang  orihinal na popcorn vendor. Ngunit tinutulungan lamang daw niya ang isang bata na makabenta ng kanyang mga paninda. Napansin kasi ni Lourilyn na walang bumibili sa panindang mga popcorn kaya naisipan niya na siya muna ang magbenta ng mga ito. 

"Kasi po nakita ko yung batang walang benta tapos naawa po ako, tinulungan ko po." wika ni Louri.

Sa katunayan, hindi na pala ito ang unang pagkakataon na may tinulungan siyang isang vendor. Nakaka-relate daw kasi siya sa mga paghihirap na dinaranas ng mga ito dahil naaalala niya ang kanyang ina na isang OFW. 

"Kasi parang nahihirapan po sila kunin yung atensyon ng mamimili. Siyempre po sa akin naaawa ako so tinutulungan ko po lagi sila."


Ang intensyon lamang ni Louri ay makatulong sa mga taong nangangailangan. 

Kaya naman sa oras na siya na ang nagbenta ng mga panindang popcorn, ay nagsidatingan ang mga customers at dinagsa ang kanyang mga paninda. 

Makikita sa mga ngiti ni Louri kung gaano ito kasaya dahil nakakatulong siya sa kanyang kapwa. Nagulat rin siya ng malaman niya na siya ay naging sikat sa social media dahil sa good deed na kanyang ginawa at hindi naman niya inaasahang may kapalit ito. 

Maraming netizens din ang humanga sa kanya dahil ineentertain niya ang mga namimili at hindi ito naging isnabera. Sa halip ay bakas sa kanyang mga labi ang mga ngiti na hatid niya sa mga customers. 

Marami rin ang nagkomento tungkol sa kabutihang asal na ipinakita ni Louri at sinabi na siya ang isang "complete package." Bukod sa pagiging maganda at mayroon pa siyang ginintuang puso. 

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso