Hindi Inakala Ng Babaeng Ito Na Ang Kanyang Mapapangasawa Ay Ubod Pala Ng Yaman


Mayroon talagang mga taong masuwerte. Isa na rito ang babae na ito na parang mala-fairytale ang pag-iibigan nilang magkasintahan dahil sa bandang huli ay nadiskubre niya na may natatagong lihim ang kanyang mapapangasawa. 

Si Nguyen Van Anh ay isang napakagandang Vietnamese na babae. Noong siya ay nag-aaral pa lamang ay marami na ang kanyang mga manliligaw ngunit ni isa sa mga ito ay hindi siya nagkaroon ng interes. Kaya sa kanyang teenage years ay siya ay nanatiling single.

Matapos makapag-graduate sa Hanoi University noong 2015 ay nakamit niya ang tagumpay bilang isang career woman. Ngunit nakaramdam siya na parang hindi pa rin kumpleto ang kanyang buhay. 

Isang araw nang may tinitignan siyang isang idol niya sa Facebook ay namataan niya ang isang lalaki sa background. Wala siyang kaide-ideya kung sino ang lalaking iyon ngunit naramdaman niya sa kanyang sarili na parang may nag-udyok sa kanya upang i-message ang kanyang idolo ay itanong ang lalaking nasa background.

Ipinakilala ng kanyang idol ang lalaking tinutukoy niya sa larawan hanggang sila ay nagkakilala at naging magkaibigan. Nakilala ang lalaki bilang si Dang Tuan. Nagsimula ang kanilang pagkakamabutihan sa social media hanggang nagkaroon sila ng relasyon kahit na sila ay magkalayo sa isa't isa. Si Nguyen ay nasa Vietnam, samantalang si Dang ay nasa Russia.

Ilang buwan ang makalipas at sila ay opisyal ng magkasintahan. Naging parte na sa kanilang buhay  pag-ibig ang mag-usap sa cellphone araw-araw. Makalipas lamang ang limang buwan ay nagdesisyon na ang dalawa na magpakasal.

Noong una ay hindi sang-ayon ang mga magulang ni Nguyen dahil maaaring hindi pa lubusang kilala ng kanilang anak ang kanyang mapapangasawa. Lumipad si Dang papuntang Vietnam upang magpakilala sa mga magulang ni Nguyen at para hingin ang kamay ng kanilang anak. 

Napatunayan nila na totoo ang pag-iibigan ng dalawa hanggang sa pumayag na ang mga magulang ng dalaga. Nagbigay na rin ng basbas sa magkasintahan ang mga magulang ni Nguyen. 

Simple lamang ang kasal na pinaplano ng dalaga, ngunit laking gulat na lamang nito na ang kanyang mapapangasawa ay naghahanda para sa isang magarbong kasalan. Napag-alaman niya sa puntong ito na ang kanyang fiance ay ubod pala ng yaman dahil mayroon itong business na isang popular international brand. 

Naganap ang engrandeng kasalan sa isang 5 star hotel at ang dalawa ay nanirahan na sa Russia. 

Inamin ng lalaki na talagang sinadya niyang ilihim noon ang kanyang kayamanan dahil ayaw niya itong makasira sa pagsasamahan nila. Na hindi ang pagiging mayaman niya ang basehan upang mahanap niya ang kanyang magiging kabiyak habang buhay. 

Ayon kay Nguyen, hindi rin basehan sa yaman ng kanyang asawa kaya niya ito pinakasalan. Pinakasalan niya ito dahil tunay ang pagmamahal niya rito. 

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!