Iron Man Actor Niregaluhan Sa Totoong Buhay Ng Napakamahal Na Captain America Themed-Car Ang Kanyang Co-Star


Hit na hit ang Marvel's Avengers lalo na nang lumabas ang kanilang movie na Avenger's: Endgame. Isa sa mga leading superheroes dito ay si Iron Man (Tony Stark) at Captain America (Steve Rogers) na ginampanan ng mga Hollywood actors na sina Robert Downey Jr. at Chris Evans.

Kilala ang character ni Robert Downey na si Tony Stark na isang mayaman na business magnate at scientist. Sa totoong buhay, dahil milyon milyon ang kinikita ng bawat artista sa tuwing lalabas ang kanilang pelikula ay hindi rin naman nakakapagtaka kung bakit napakayaman na rin ng mga ito. 

Sa isang episode ng Jay Leno's garage, ibinahagi ng Captain America actor na si Chris Evans na niregaluhan siya ng kanyang co-actor na si Robert Downey Jr. ng isang mamahaling kotse. Noong fini-film pa lamang daw nila ang kanilang Avengers: Endgame na movie ay tinatanong na siya ni Downey kung ano ba ang gusto niyang kotse.

Nagkaroon siya ng ideya na may balak na surpresahin siya nang kanyang Avenger co-star ngunit hindi niya inaakala na ganito kamahal at kaganda ang ibibigay sa kanya. Hindi lamang ito basta-basta na kotse, ito ay isang 1967 Chevrolet Camaro na ni-restore at fully customized. At ang nakakalula pa ay ito ay nagkakahala ng $275,000 o higit kumulang ng Php14Million!

Tiniyak pa mismo ni Downey na naaayon sa character na ginampanan ni Evans ang napaka-cool na details ng kotse, na isang Captain America Themed-Car. Makikita na ang steering wheel nito ay mayroong logo ng shield ni Captain America. 

Talaga namang napapa-wow ka dahil maging sa totoong buhay ay napatunayan ni Robert Downey Jr. na siya ang totoong Tony Stark. 

Samantala, bagay na bagay naman kay Evans ang natanggap niyang regalo lalo na't magaling ang pagkakaganap niya sa kanyang role na Steve Rogers/ Captain America.

Dagdag pa ni Evans:
"The car is way out of my league."

Hindi niya inaakala na magkakaroon siya ng ganoong kagandang kotse dahil kahit noon ay wala pa siyang ganoong kamahal na sasakyan.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!