Isang Babae Nakabili Ng "Plastic Fish" Sa Isang Palengke Sa Taguig Binalaan Ang Publiko


Sa panahon ngayon ay nauuso ang pagdami ng mga pagkaing hinahaluan ng plastic tulad ng isyu tungkol sa 'plastic rice,' at ngayon naman ay 'plastic fish.' 

Sa unang tingin, malamang marami ang hindi agad makakapansin na ang mga pagkaing ito ay peke o may halong plastic. Ang mga fake food products na ito ay nakakaalarma dahil sa posibleng negatibong epekto nito sa ating katawan kapag ito ay ating nakain. 

Isang concerned netizen ang nagbigay ng babala sa publiko patungkol sa nabili niyang isda sa palengke ng Taguig City.  

Inupload ng netizen na si May Pineda ang isang video na pinapakita niyang binabalatan ang isda na tila nakabalot sa isang madikit at manipis na plastic. Nabili raw ng kanyang nanay ang isda na iyon sa isang tindero sa Signal Palengke. 

Naengganyo raw bilhin ng kanyang nanay ang isda dahil mukha itong maganda at sariwa at saka tinanong pa ang nagtitinda kung saan ito nanggaling. Nagmula raw ang mga isda sa Navotas, na kilala na mayroong fish port complex kaya naman ito ay kanya ng binili,

Pagkauwi sa bahay ay sininulan na niya itong nilinisan ngunit laking gulat niya ng makita niyang may kakaiba sa mga nabiling mga isda. Sa masiyasat na inspeksyon ay nakita nila ang hawak-hawak niyang isa ay nababalutan ng plastic.

Unti-unti niya itong binabalatan. At ang nakakagulat pa ay napakagaling ng pagkakabalot nito dahil hapit na hapit ito sa balat ng isda na kung hindi mo sisiyasating mabuti ay hindi mo ito mapapansin agad. Ang naging pangamba ng mag-ina ay kung hindi nila ito nakita ay posibleng nailuto at nakain nila ang isdang mayroong plastic!

Hindi man nila maisauli na ang mga isda dahil hindi na rin matandaan ng nanay ni May ang eksaktong pwesto ng tinderong kanyang napagbilhan. Ngunit nagbigay na lamang sila ng babala sa publiko na mag-ingat sa pagbili ng mga isda. Siguraduhing linisin at siyasatin ng mabuti ang mga biniling produkto sa palengke dahil mas mabuti na ang mag-ingat upang hindi mapahamak ang kalusugan. 

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!