Ito Na Ang Buhay Ngayon Ni Chin Chin Gutierrez Matapos Iwanan Ang Pag-aartista



Isa sa mga prominente at magaling na aktres noong 90's ay ang dating aktres na si Maria Carminia Lourdes Cynthia Gutierrez o mas kilala bilang si Chin Chin Gutierrez. 

Maliban sa kanyang magandang mukha ay nakilala siya sa kanyang husay sa pag-arte mapa bida man o kontrabida at tiyak na nadadala niya ang kanyang role na ginagampanan. Nakatanggap rin siya noon ng mga iba't ibang acting awards at nanalo bilang "Best Actress" sa Gawad Urian noong 1995 sa kanyang ginampanang papel sa "Maalaala Mo Kaya: The Movie" noong 1994.

Bukod dito siya rin ay nakapag-uwi ng Best Supporting Actress noong 1998. 


Ngunit kahit na gaano pa man kaganda ang career niya noon sa showbiz ay unti-unti siyang nawala at tuluyan niya nang iniwanan ang pag-aartista at mas pinili ang buhay na tahimik at malayo sa publiko.

Nasaan na nga ba si Chin Chin ngayon?

Si Chin Chin ngayon ay pinagtutuunan niya nang pansin ang kanyang adbokasiya sa environmental preservation at naging isa siya sa mga sikat na resource speaker at lecturer tungkol sa environmental education.



Ayon din sa mga reports, siya ay pumasok sa Carmelite Convent para maging isang madre at sundan ang yapak ng kanyang ina na dating Franciscan nun sa Italy. 

Isang netizen na si Vicksay M. Josol ang nagkumpirma tungkol sa mga balita ngayon na tungkol kay Chin Chin. Nagpost ito ng larawan ng aktres na mayroong caption na:

"Congratulations for answering the call to Vocation SR. Lourdes. PRAYERS FOR YOU..

Sister Chin Chin Gutierrez (Sister Maria Carminia Lourdes Cynthia Arnaldo Gutierrez, born on August 22, 1969, in Manila. She is a former showbiz award-winning actress and environmentalist now full-pledged consecrated sister of the Carmelite Convent better known as SISTER LOURDES)."

Samantala marami sa mga dating fans ni Chin Chin ang bumati sa kanya dahil sa pinili niyang landas na mas malapit sa ating Panginoon. 


Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso