Kahit Maraming Sasakyan, Masipag Na Bata Sa Taas Ng Flyover Nag-aaral Dahil Walang Ilaw Ang Kanilang Bahay



Nakakataba ng pusong makita ang mga bata na kahit ang buhay nila ay mahirap ay nagsisipag pa rin sila para matuto at makapag-aral. Tulad na lamang ng isang 8 taong gulang na batang ito na taga China, Guizhou Province.

Ang straight-A pupil na si Qu Sinian ay matiyagang pumupunta araw-araw sa isang flyover upang gumawa ng kanyang mga assignment sa eskwela. Kung iisipin ay napaka-delikado ng kanyang ginagawa dahil nasa mismong gilid lamang siya ng kalsada nagsusulat. 

Ang kanyang ina ang palagi niyang kasama sa tuwing pupunta siya sa flyover. Habang siya ay gumagawa ng kanyang mga assignment ay mayroon pang mga sasakyan na dumadaan sa kanyang tabi. 

Ang dahilan niya kung bakit niya ito ginagawa ay dahil madilim daw ang kanilang bahay at walang ilaw kaya naman mas pinipili niya ang mag-aral na lamang sa labas. Sila ay galing sa isang mahirap na pamilya na nagrerenta lamang ng isang maliit na kwarto na 8 square meters lamang ang laki at malapit sa isang overpass sa Guiyang, Southern China. 

Ang ina ni Sinian na mayroong sak!t sa puso ang tangi niyang kasama sa tuwing siya ay mag-aaral sa daan. Ang kanyang ama ay dating isang migrant worker. Ngunit nang maaksidente ito, 8 taong na ang nakalipas ay na-disable siya dahil sa pagkakahulog.

Sa ngayon, ang ama ni Sinian ang nananatiling breadwinner ng kanilang pamilya at nagtatrabaho bilang isang driver upang mabuhay lamang ang kanilang pamilya.

At dahil pursigido talagang makapag-aral ang batang si Sinian, ang 164 feet na flyover ay ang nagsisilbing study place ng bata dahil mayroon itong magandang lighting upang mas makita niya ng mabuti ang kanyang mga sinusulat at binabasa. 

At kung inabutan naman siya ng gabi doon ay mayroong mga streetlights na naka-ilaw sa paligid.

Nakakalungkot isipin na dahil hindi kumikita ng sapat na pera ang kanyang ama ay tinitiis na lamang ng bata na mag-aral sa daan. Ngunit marami rin naman ang humanga sa kasipagan ng bata. 

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso