Kawawang Matanda Na Nagtitinda Ng Saging Binayaran Ng Pekeng Pera


Nagkalat na ang mga modus ngayon. At hindi na bago ang mga peke or fake na pera. Taun-taon ay naglalabasan ang mga pekeng pera at mayroon pa rin ang mga nasa ating sirkulasyon.

Para sa mga taong hindi naman alam i-detect kung alin ang geniune o fake na pera ay hindi nila ito kaagad agad mapapansin. Dahil ang pagkakaalam nila ay totoong pera ito. Marami na ang nalinlang sa mga fake na pera, at ang masaklap pa ay kung malaki ang halaga nito.

Ibinahagi ng Facebook user na si An Ge Lie ang larawan ng isang nakakaawang matandang lalaki na nagbebenta ng saging at nakatanggap ng pekeng isang libong piso bilang pambayad sa biniling saging sa kanya. 

Ayon sa netizen, siya ay namamalengke noong umagang iyon nang makita niya ang isang matanda na nagtitinda ng saging. Napag-alaman niya na ang perang ibinayad sa matanda ay fake o peke. Nasa halagang Php100 lamang ang binili ng suspect sa kanya kaya naman sinuklian pa niya ito ng Php900. At laking gulat ng lolo na iniwan ang saging na binili ng suspect at saka nagmadali itong umalis pagkakuha ng sukli. 

Ayon sa mga report, naganap ang insidente sa Reynadelle Store sa The New Market Place sa Minglanilla, Cebu. 

Maraming netizens naman ang nagalit sa ginawang panloloko ng suspect lalo na pa't isang matandang naghahanap-buhay ng marangal ang kanyang niloko. Marami ang naawa sa lolo dahil sa edad niya ay kumakayod pa rin siya at nagawa pa siyang salisihan.

Dahil sa post na ito na ibinahagi ng netizen ay agad itong nag-viral at marami naman ang nais maghatid ng tulong sa matanda. 

Ang tanging paalala lamang sa publiko ay mag-ingat sa mga pekeng pera. Siyasating mabuti ang mga ibinabayad, sinusukli at natatanggap na pera. Dahil minsan sa unang tingin ay akala mo ay totoo ngunit kung sisiyasating mabuti ay peke pala ito. At kung nakatanggap ng pekeng pera ay marapat na isurrender ito sa malapit na bangko o sa Bangko Central ng Pilipinas upang hindi na ito muling kumalat sa sirkulasyon. 

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso