Lalaking Ginamit Ang "Pinoy Henyo" Para Mag-Propose Sa Kanyang Girlfriend



Napakauso na ngayon ang iba't ibang paraan kung papaano mag-propose sa iyong kasintahan.  Mayroong magarbong wedding proposal, pero mayroon ding simple pero talaga namang napaka-sweet at nakakakilig.

Lumalabas ang pagkamalikhain ng mga Pinoy lalo na't pagdating sa paghingi ng kamay ng kanyang minamahal. Nariyan ang iba't ibang pakulo at surpresa, ngunit ang isang lalaking ito ay ginamit ang isang laro na "Pinoy Henyo" upang mag-propose sa kanyang girlfriend. 

Ang lalaki na si Yael Makkar Mendoza ay may planong hingin ang kamay ng kanyang kasintahan sa pamamagitan ng paglalaro nila ng game na Pinoy Henyo. Sa tulong ng kanilang mga kaibigan ay naisakatuparan ng Yael ang kanyang plano.

Upang hindi mapansin ng kanyang girlfriend na may balak na itong magpropose sa kanya ay kunwari na ang kanilang mga kaibigan ang nag-suggest na laruin ang game. At dahil kasabwat na sila sa wedding proposal ay alam na alam na nila ang kanilang gagawin.

Hindi rin nagsuspetsa ang girlfriend ni Yael dahil ginanap ito kasabay sa mismong birthday party ng dalaga. Noong una ay akala lang ng babae na katuwaan lamang ito kaya naman wala siyangnagawa  kung hindi mag-participate sa kanilang laro. Ang hindi niya alam na ito na pala ang isang napaka-memorable na moment na pinapangarap ng isang babae.

Ang isang kaibigan nila ay isinulat ang mga katagang, "Will you marry me?" sa isang maliit na white board na hawak hawak ng dalaga sa taas ng kanyang ulo. Binigyan sila ng kanyang boyfriend ng ilang minuto upang mahulaan niya ang tamang sagot, ngunit dahil ito ay napakahirap ay hindi niya ito nahulaan.

Noong maubos ang kanilang oras, ay ibinaba ng babae ang board at gulat na gulat sa mga nakasulat na salitang kanyang nakita. At sabay na ang kanyang nobyo naman ay lumuhod na sa kanyang harap na may hawak hawak na isang singsing.

Sinagot na man siya ng kanyang kasintahan ng isang matamis na "Yes."

Talaga namang napaka-creative ng ideya niyang ito kaya naman ito ay naging isang success!

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!