Lalaking Sinusubuan Ang Isang Matanda Na Naka-wheelchair, Hinangaan Ng Mga Netizens



Nakakalungkot isipin na mayroong mga senior citizens na pinapabayaan na sila ng kanilang mga anak. At ang masaklap pa rito, na kahit sila ay pinalaking maayos ng kanilang mga magulang ay iiwanan nila ng mag-isa ang kanilang mga magulang na tumatanda.

Gaya ng mga bata, ang mga matatanda ay kailangan rin ng pag-alalay lalo na't humihina na ang kanilang katawan sa paglipas ng panahon. Tila maswerte ang mga magulang na may anak na nag-aasikaso sa kanila lalo na kung kailangan na kailangan nila tulong kapag sila ay tumatanda na.

Isang netizen ang naka-witness ng isang nakaka-touch na pangyayari sa pagitan ng isang hindi nakilalang lalaki at isang matandang naka-wheelchair na inaakalang kanyang ina. Ang netizen na kumuha ng video ay naimpress sa ginagawa ng lalaki dahil bibihira lamang ang mga anak na gumagawa ng ganito.

Ang matandang babae ay hindi na kayang kumain magisa dahil nanginginig ang kanyang mga kamay. Kaya naman upang makakain siya ay pinapakain at sinusubuan siya ng katabi niyang lalaki.

Ang nakakatuwa pa ay dahil bago pa man kumain ang lalaki ay prinepara muna niya lahat ang kakainin ng kasamang niyang matanda at tiniyak na nakakakain ito ng mabuti.

Noong ini-upload ito sa social media ay agad-agad naman itong nagviral dahil maraming netizens ang naantig ang puso.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"The act of son's love towards his mother. This man will be blessed for sure. God Bless you bro."

"Mapalad na mommy bihira lang ang anak na lalaki na ganito maasikaso sa magulang." 

Bukod sa papuri ng mga netizens sa lalaki ay marami ang humahangad na sana na ang lahat ng anak ay maging ganito kaasikaso lalo na kapag tumanda na ang mga magulang. Dahil sa simula pa lamang ay sila naman na ang nag-alaga at nag-asikaso sa atin noong bata pa tayo. Kaya sana ay huwag nating ipagkait sa kanila ang pag-aaruga na dapat nilang matanggap mula sa atin. 

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso