Mabait Na Security Guard Inilibre At Pinakain Ang Mga Batang Kalye Sa Isang Fastfood


Kadalasan sa mga business tulad ng mga restaurant at malls, trabaho ng mga security guard ang bawalan ang mga pulubi at batang kalye na manghingi ng limos sa labas nga mga establisyementong ito. Ito rin kasi ay isang paraan upang maprotektahan ang mga kanilang mga customers at mamimili.

Ngunit ang isang security guard na ito ng isang fastfood ay nagviral dahil sa kanyang ginawang pagtulong sa mga batang kalye. 

Ang netizen na si Jhanna Tiemsin ang naka-witness at nagbahagi ng larawan ng mabait na kuyang security guard kasama ang mga batang pulubi. Ito ay nakuhanan sa isang outlet ng Mcdonald's sa Malolos, Bulacan.

Isinulat ni Tiemsin sa kanyang social media account:

"Walang kaarte-arteng nilibre at sinabay na kumain ang mga batang kalye. Sana yung mga may kaya sa buhay, di nagsasayang ng pagkain. Kasi yung iba kailangan pang manghingi o mamalimos o di kaya minsan maghintay ng tira-tira ng kapwa nila, makakain lang. Sana tularan natin si Manong Sekyu."

Hindi man ganoon kalaki ang sahod ng mga security guard, ngunit ang mamang ito ay inilibre at pinakain ang mga batang pulubi kung saan siya naka-duty. Makikita na mukhang masaya at kasama pa nilang nagsalu-salo sa pagkaing inilibre ng mabait na kuyang sekyu.

Gaya ni Tiemsin, marami ring netizen ang humanga at pinuri ang kabutihang ipinakita ng sekyu sa mga batang walang makain. 

Hiling ng isang netizen na sana ay maging bukas ang ating isip at puso sa mga batang ito. Dahil kadalasan sila ay nagugutom at walang makain.

"Ganyan sana sa mga fastfood, yung iba kasing guards sa fast food di pinapapasok yung mga namamalimos na bata o matanda,, sana sa ibang fast foods ganyan din, at sa mga customer sana wag kayong maging maselan, kung may lalapit na ganyan, bagkus bigyan niyo sila ng biyaya na ipinagkaloob sa inyo. God Bless kuya guard!" pahayag ng isang netizen. 

Comments

Popular posts from this blog

Grab Food Rider Kinain Na Lamang Ang Di Binayaran At Kinanselang Order Ng Kanyang Customer

Jackpot Ang Lalaking Ito Matapos Makatagpo Ng Wallet Na May Lamang Pera Sa Damit Na Nabili Sa Ukay-Ukay

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Matandang Lalaki, Inakalang Pulubi ng Isang Pawnshop Ngunit Ito Pala ay Nagpapadala ng Pera Para sa Anak!