Mabait Na Security Guard Tinulungan Ang Isang Bata Na Nakatulog Sa Kalsada



Kung iisipin, ang mga buhay ng mga batang kalye ay palaging nasa panganib. Dahil sila ay palaboy sa lansangan at walang maayos na bahay na matitirhan, ang kaso ay sa daan na lamang din sila  nakatira at natutulog. Ngunit ito ay napakadelikado dahil hindi mo masasabi na baka darating ang isang oras na may mangyaring masama sa kanila.

Isang concerned na security guard ng isang fastfood chain ang nag-viral dahil sa ginawa nitong pagmamalasakit sa isang batang kalye na inabutan na ng pagkaantok sa daan.

Isa netizen sa pangalang Khim ang nakakuha ng letrato at nasaksihan ang pangyayaring naganap sa labas ng Mcdonald's outlet sa Paombong, Bulacan. Ayon sa kanya, sila ay nasa store ng 11:00 ng gabi. Habang ang kanyang kasama ay nag-ooder ng pagkain, naisipan muna niyang lumabas.

Nakita niya ang security guard na may inaayos na isang karton sa tabi ng sidewalk. Nagtaka siya kung paraan saan ba ito gagamitin. At ilang minuto lamang ay nakita niyang pumunta ang guwardya sa parking lot kung saan binuhat ang isang batang nakatulog sa daan na nakasandal sa isang traffic cone. 

Marahil sa sobrang pagkapagod kaya nakatulog na lamang ang bata doon. Ang hindi lamang nalaman ni Khim ay kung madalas bang doon natutulog ang bata. Ngunit sa ginawang pagmamalasakit ng security guard ay talaga namang siya ay napahanga. 

Maraming netizens ang na-impress dahil sa kabutihang ginawa ng guwardya, dahil hindi naman talaga niya responsibilidad na alagaan ang mga batang kalye. Ngunit dahil mayroon siyang puso at pagmamalakasakit sa kapwa ay naging concerned siya sa kalagayan ng batang nakatulog na lamang sa daan.

Nakilala na ang mabait na guwardya ay si Joselito Cunanan. Marami rin ang nagbigay ng puri sa kanya sa kabuting asal na kanyang ipinakita. Sinabi rin ng iba na sana ay ipagpatuloy lamang niya ang pagtulong sa kapwa dahil sigurado na maraming blessings ang darating sa kanya. 

Comments

  1. Good job mamang guard, ituloy mo ang kabutihan sa kapwa at si Lord ang bahala mgbalik ng iyong kabutihan ng siksik liglig at umaapaw na biyaya.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!