Mabuting Lalaki Pinakain Ang 3 Batang Pulubi Ngunit Mas Naantig Ang Puso Nito Nang May Sabihin Sa Kanya Ang Isang Bata



Sa ating lipunan, mayroong mga batang lansangan na hinahayaan na lamang ng kanilang mga magulang na mamalimos at palaboy laboy sa mga kalsada. Ang mga batang ito ay nararanasan na ang dagok ng buhay sa murang edad pa lamang. Nararanasan nila ang panganib sa daan, matulog sa kalsada, magutom, at walang makain.

Ngunit mayroong mga tao na mayroong busilak na puso na napapadaan sa kanilang buhay ay tinutulungan sila. Katulad na lamang ng isang di nakilalang lalaki na na-witness ng isang netizen na si Patrisha Capillan.

Habang ang netizen ay kumakain sa isang fastfood chain kasama ang kanyang boyfriend, nakita nila ang isang napaka-espesyal na pangyayari. Isang lalaki ang nagmagandang loob at tinawag ang tatlong batang pulubi at ibinili niya ang mga ito ng pagkain. 

Pinaupo ng lalaki ang mga bata sa isang mesa at sila ay nagsalu-salo sa pagkaing kanyang binili. Makikita na pinapakain rin at sinusubuan ng lalaki ang pinaka-bata sa kanila. Sa mga oras na ito ay bakas sa mukha ng mga bata ang saya dahil sila ay nakakain. Ganoon rin ang lalaki, makikita na nag-eenjoy siya na kasama ang mga musmos na bata. 

Ngunit ang mas nakapagpakirot sa puso ng netizen ay ang narinig niyang pag-uusap sa pagitan ng lalaki at ng isang batang pulubi na nakasuot ng green na t-shirt.

Tinanong kasi ng lalaki ang bata kung bakit hindi niya inubos ang kanyang pagkain. Sinagot siya ng bata at sinabi na bibigyan niya rin daw kasi ang kanyang nanay para matikman din niya ito. 

Nang marinig ng lalaki ang mga salitang binitawan ng bata ay pumunta muli ito sa counter upang bumili pang muli ng mga burgers. Dahil dito ay na-touch ang netizen na si Patrisha at saka ipinost ito sa kanyang social media account na agad-agad namang nagviral.

Kung iisipin, sa murang edad pa lamang ng mga batang ito ay hindi lamang ang kanilang sarili ang kanilang iniisip. Pati ang kanilang ina ay naisip nila ipagdala upang ibahagi ang grasya na kanilang natanggap sa araw na iyon.

Samantala, maraming netizens naman ang pumuri sa ginawang kabutihang loob ng lalaki.

Comments

  1. God bless sa mabuti at busilak mong Puso..

    ReplyDelete
  2. God will bless you more sir..👍

    ReplyDelete
  3. GODBLESS YOU SIR, AND MORE BLESSING FOR YOU...

    ReplyDelete
  4. wow.Bless you brod..May the Lord pour more blessed into your family to Bless more people...

    ReplyDelete
  5. I salute you sir..Sana marami pa tulad nio na tumutulong sa kapwa..

    ReplyDelete
  6. God bless you sir ,,SANA MARAMI PANG TULAD NYO💖💖💖

    ReplyDelete
  7. God will bless you more than you expect Sir.😇😘

    ReplyDelete
  8. Galing nyo kuya sir god bless you more

    ReplyDelete
  9. Naluluha ako ng binabasa ko ito,,napakabuti ng puso mo kuya pagpalain ka ni god.isa akong ina at ramdam ko masakit sa nga magulang na kagaya ko makita ang sinasapit ng mga anak.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!