Mabuting Netizens Nagabot Ng Tulong Sa Isang Batang Hindi Makasagot Ng Kanyang Exam Dahil Sa Sobrang Pagkagutom


Ilan sa mga inaasahang dahilan kung bakit hindi makapagsagot ng tama ang mga estudyante sa kanilang exams o test ay dahil hindi sila nag-aral o nagreview ng kanilang mga aralin. Ngunit ang isa sa mga dahilan na hindi naman inaasahan ay dahil sa sobrang pagkagutom. 

Isang guro sa Santiago National High School sa General Trias City, Cavite na kinilala bilang si Teacher Jayvee ay nagbigay ng isang mahabang pagsusulit sa kanyang klaseng pang 5pm. Ngunit isang estudyante ang pumukaw sa kanya ng pansin dahil napansin niya na ito ay hindi sumasagot sa kanyang exam. 

Noong una, ang akala lamang ng guro ay baka dahil wala itong pambayad na Php1 para sa photocopy fee ng test paper. Ngunit mayroon pa palang mas matinding dahilan ang bata, ito ay dahil siya ay gutom na gutom kaya hindi niya magawang masagutan ang binigay na exam. 

Ang estudyante na kinilala bilang Jovel Habagat ay nakaupo na lamang sa kanyang upuan habang ang kaniyang mga kaklase ay nag-eexam. Dahil sa unang pag-aakala ng guro na wala itong pambayad ay inabutan na lamang niya ito ng test paper, ngunit ilang minuto na ang lumilipas ay nanatili pa rin lamang itong nakaupo habang pinagmamasdan ang test paper. 

Muling nilapitan ng guro si Jovel at tinanong kung mayroon bang problema. Nahihiya pa siyang sumagot, ngunit ang sabi ng kanyang katabi na hindi pa raw kumain buong mag-araw si Jovel. At kung iisipin dahil 5pm ang kanilang klase ay tiyak na gutom na gutom na ang bata.

Dahil sa sobrang pagkagutom ay nahihilo na si Jovel kaya maging pati ang kanyang ballpen ay hindi na niya maiangat para makapagsulat. Sa sobrang awa ng guro ay inutusan na lamang niya ang isang estudyante upang bumili ng tubig at pagkain para kay Jovel dahil hindi niya rin naman maiwan ang kaniyang klase na nag-eexam. 

Kaya habang nagsusulit ang ibang kaklase ni Jovel ay kinakain niya ang pinakaunang pagkain niya sa buong mag-araw. Sinabi niya na maging ang kanyang hapunan ay hindi pa sigurado kung may kakainin siya. 

Sa ilan pang mga katanungan ay napag-alaman ng guro na hindi sapat ang kinikita ng ama ni Jovel bilang isang construction worker upang may maipangkain sa araw-araw. Siya ay mayroon pang 8 na kapatid ang ang kanilang ina ay buntis pa. 

Para matiyak ng guro na may ipangkakain si Jovel sa gabing iyon ay iniabot na lamang niya ang perang nakolekta niya mula sa bayad ng mga photocopy.

Nang imai-post ito ng guro sa kanyang social media ay biglang nagviral ang naging sitwasyon ng kanyang estudyante ay marami ang naantig at nais magabot ng tulong sa pamilya ni Jovel.

Samantala, isang architect  din ang bumisita sa pamilya ni Jovel at nagbigay ng mga pagkain, canned goods, grocery items at iba pang toiletries. 

Comments

  1. Kawawa naman yung bata,importante talaga na may laman ang tyan ng mga bata bago sila pumasok sa eskwelahan, at salamat sa mga nagmabuting loob na damayan ang pobreng estudyanteng ito,
    At sa parents nya,sorry po to say,na sana po di nyo na palakihin ang pamilya nyo,kung di po kyang i provide ang needs nila,mahirap po ang maraming anak

    ReplyDelete
  2. Sorry to say too,, Sna po wag nyo ng palakihin ang pamilya nyo, maawa kayo sa mga bata, tulad po nyan, 8 sila madadagdagan Pa, pano po yan, wag po sana kayong magagalit po ha,, tanx po...

    ReplyDelete
    Replies
    1. True sna tama n yn pang walo anak ang mga bata ang apektado d lng s edukasyon yn kulang tlaga s pagkain sna ngayon maintindhan n ng parents paano kwwa mga anak nla

      Delete
  3. pra dun sa magulang ng bata sorry and sad to say, pro hwg nmn po sna puro pasarap nanay at tatay sna isipin nyo dn mga anak nyo kung may ipapakain pa kau kc kawawa ang mga bata. nkakaawa kau but on the other side, nkakabwisit kc di kau ng iisip..

    ReplyDelete
  4. Kawawa nmn.. pero ako kht cguro walang wala gagawa at gagawa ako ng paraan makakain lng mga anak ko. Kht nd na ko

    ReplyDelete
  5. a kalagayan nila sna d n magdagdag ng anak ang magulang nya kc mga bata ang sobrang apektado, sana alam rin nila ang salitang family planning

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!