Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga


Ang mga treasures ay hindi lang matatapuan isang kaha na puno ng ginto, alahas, at pera. Minsan ang mga ito ay natatagpuan din sa mga hindi inaakalang lugar. Katulad na lamang ng karanasan ng isang ordinaryong mag-asawa na ito.

Isang araw habang naglalakad sa tabing dagat ang mag-asawa na sina Gary at Angela Williams na taga Overton, Lancashire United Kingdom, ay nakatagpo sila ng isang mabaho, kulay gray na bagay sa dalampasigan Middleton Beach sa England. 

Kung ang ibang tao lamang ay iiwasan ito at hindi papansinin dahil sa pag-aakala na ito ay isang basura, ang mag-asawa naman ay na-intriga rito kaya nila ito nilapitan. Ang kakaibang bagay ay tila isang dinosaur egg sa laki. Hindi nila ito mawari kung ano kaya naman nagdesisyon ang dalawa na iuwi ito at ipa-imbesiga sa kinauukulan.

Sa hindi nila pag-aakala, ang mabahong bagay na ito ay nagkakahalaga pala ng milyong milyon. Pagkatapos ng imbestigasyon, ang bagay na kanilang napulot ay isa palang 'ambergris' o ang ibig sabihin ay 'whale vomit.'

Ang ambergris ay isang matigas, waxy, flammable substance na mayroong black o grey na kulay. Ito ay nabubuo sa digestive system ng mga whales o balyena na mayroong masangsang na amoy.

Habang tumatagal ang substansya, nag-iiba ang amoy nito at nagkakaroon ng sweet, earthly scent. Kaya naman ang bagay na ito ay binibili ng mga gumagawa ng perfumes para sa paggawa ng mga napakamahal na mga pabango. 

Ang mga ambergris ay may iba't ibang hugis, laki at kulay na maaaring magbago sa tagal ng panahon. Ang iba ay tila parang mga bato lamang na nakakalat sa dagat o dalampasigan. Ngunit ang ambergris na natagpuan ng mag-asawa ay mayroong bigat ng 3 1/2 pound at mayroong estimated amount na $70,000 o higit kumulang sa 3 milyong Piso. 

Para sa mga bansa tulad ng United States, ang pagbebenta ng mga ambergris ay ilegal. Ngunit sa ibang bansa tulad ng United Kingdom ay itinuturing lamang ito bilang isang waste product. Pero kung ito naman ay iyong ibinenta ay instant milyonaryo ka.

Comments

Popular posts from this blog

Kilalang Personalidad Ka-una Unahang Bumisita sa Pinakamahal na Resort sa Palawan

Kinaaliwan Ang Post Ng Isang Lalaking Nasandalan Ng Isang Nakatulog Na Pasahero Sa Jeep

Isang Bata ang Sumakabilang Buhay Matapos Kumain ng Kangkong Dahil Mayroon Itong Linta

Dating Artista na si Sheryl Cruz, Masayang Kasama ang Kaniyang Rumored Boyfriend sa Iceland

Nagsusumikap ang Lolo na Magbenta ng Lugaw Para may Makain Subalit Madalas Wala raw Bumibili Sakaniya