Magugulat Ka Sa Sobrang Tangkad Ng Babaeng Ito Ay Tinagurian Siyang "Tallest Model In The World"


Natural sa mga model ang matangkad. Kadalasan, ang mga babaeng modelo ay nasa average height na 5ft 8 inches (173cm) hanggang 5ft 11 inches (180cm). Ngunit ibahin ang isang Russian model na ito na may kakaibang tangkad na hindi mo aakalain.

Ang native Russian beauty na ito ay nakilala bilang si Ekaterina Lisina, 30 taong gulang at tinagurian siyang pinakamatangkad na babae sa buong mundo ayon sa naitala ng Guinness Record Book at mayroong pinakamahabang legs. 

Kapag makikita si Ekaterina ay tiyak na malulula ka sa sobrang taas niya. Siya lang naman ay mayroong height na 205cm o 6ft 9 inches. Ang kanyang mga legs ay may haba na 133cm.


Noong una ay nagsimula siya bilang isang basketball player noong 16 years old pa lamang siya ngunit kinalaunan ay nag-iba ang kanyang career at lumipat sa show-business. Naging matagumpay ang kanyang career bilang isang photo-model dahil sa napakatangkad niyang height na isang requirement ng isang modelo.

Noong mag-file siya sa Guinness Records bilang pinaka-matangkad na babae sa buong mundo ay mayroon siyang isang nakalaban na babae na taga Russia rin. Pero kay Ekaterina pa rin napunta ang korona dahil mas matangkad siya ng 1cm lamang ang pagitan. 

"I really want to be in the book of world records as the world's tallest model. I also think I have a chance to be awarded the world's longest legs. My legs are around 52.4 inches, which is longer than the current record holder."

"I think my long legs can definitely help my modelling career because there aren't so many models with such long legs."

Ayon sa kanya, ang pagiging isang sobrang tangkad na babae ay hindi rin naging madali. Lalo na't nahihirapan siyang bumili ng mga damit na naaayon sa kanyang height. Minsan ay nahihirapan rin siyang pumasok sa mga pintuan dahil mas mataas pa siya sa mga ito.

Naging isang challenge din sa kanya ang makahanap ng lalaking magugustuhan siya dahil sa sobrang tangkad niya. 

Ngunit dahil sa kanyang extraordinary height ay nagkaroon naman siya ng maraming fans sa buong mundo dahil namamangha sila sa pagiging sobrang matangkad niya lalo na't siya ay mayroong angking kagandahan na parang isang Amazonian. 

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!