Naantig Ang Marami Sa Isang Ama Na Naka-Paa Lamang Habang Umattend Sa Graduation Ng Kanyang Anak



Ang mga responsableng magulang ay gagawin ang lahat matustusan lamang ang pag-aaral ng kanilang anak. Dahil ang edukasyon ang pinakamahalagang pamana na maibibigay sa atin ng ating mga magulang. Kaya kahit ang kanilang pansariling kasiyahan ay nakakayanan nilang isakripisyo maibigay lamang ang pangangailangan ng kanilang anak. 

Isang mag-ama ang naging agaw pansin at naging usap-usapan sa ilang mga pages sa social media dahil naantig ang mga puso ng mga netizens matapos makitang naka-paa lamang ang mag-ama habang inihahatid ang kanyang anak na ga-graduate. 

Kung mapapansin ay nakapambahay lamang at wala pang sapin sa paa ang mag-ama kahit na ito ay isa sa mga napakaespesyal na okasyon. Marami ang naawa at napahanga dahil mukhang ang toga ng kanyang anak ang talagang kanilang pinaghandaan. 

Hindi baleng walang magandang damit at tsinelas o sapatos ang ama, basta ang importante ay makikitang nakasuot ng toga ang kanilang anak sa araw ng kanyang graduation. Naging agaw pansin din ang Superman t-shirt na suot ng ama na tila sinisimbulo na isa siyang 'Super Tatay,' dahil sa pag-iintindi niya sa kanyang anak.

Ayon sa isang caption ng site na Hanep TV:
"Eto po yung tatay na naka-yapak habang sinasamahan nya anak nyang kinder papuntang stage dahil graduation ng bata.. kahit construction worker lang si tatay handa syang magsakripisyo at mapagtapos sa pag-aaral ang mga anak nya, hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang pangarap.. taga La Fortuna Oriental Mindoro po ang mag-amang ito, saludo kami sa'yo tatay and congrats baby!" 

Napagalaman din sa isang netizen na ang mag-ama ay mga Mangyan at kalakip na sa kanilang kultura ang hindi pagsuot ng tsinelas o sapin sa paa. Ngunit sila ay dapat paring tinutulungan dahil bumaba pa sila ng bundok para maka-attend lang ng graduation ng daycare. 

Maraming netizens din ang naging proud sa ama dahil kahit sa hirap ng buhay ay hindi niya pinapabayaan ang kanilang anak sa pag-aaral. Makikita kung gaano ka-supportive and ama na ito sa kanyang anak. 

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso