Nagtanim Ng Milyong Puno Ang Mag-asawa Sa Loob Ng 20 Taon At Ang Kinalabasan Ay Talagang Napakaganda



Ang ating mundo ay nauubusan na ng mga puno dahil sa kabilaang pagputol ng mga ito. At dahil sa pagkawala ng mga puno sa ating kapaligiran, ito ang nagiging dahilan ng global warming, landslides, at pagbaha.

Ngunit kung ang bawat isa sa atin ay nagtatanim ng puno, paglipas ng taon ay maibabalik nating muli ang sigla ng ating mga kagubatan. Katulad ng mag-asawa na ito na sa loob ng 20 taon ng pagtatanim ng mga puno at ang kinalabasan ay talagang kahanga-hanga.

Matapos ang ilang taon na ma-assign sa Rwanda ang photojournalist na si Sebastiao Ribeiro Salgado ay nais na niyang makauwi sa kanyang tahanan sa Minas Gerais sa Brazil, na kung saan siya lumaki. Ang kanilang lugar noon ay napapaligiran ng mga kagubatan at mga puno. 

Gusto na niyang bumalik dito dahil sa stress na naranasan niya sa Rwanda, ay nais na niyang mag-rejuvenate at mag-relax muna. Ngunit laking gulat ang sumalubong sa kanya, nang makita niya ang dating lugar nila noon na ma-puno at maraming halaman ay nakalbo na at wala na halos ang mga puno.

Imbes na siya ay makakapag-relax sana ay mas lalo siyang na-istress sa kanyang nadatnan. 

"The land was s!ck as I was- everything was destroyed. Only about 0.5% of the land was covered in trees. Then my wife (Lelia) had a fabulous idea to replant this forest. And when we began to do that, then all the insects and birds and fish returned and, thanks to this increase of the trees I, too, was reborn- this was the most important moment," wika ni Salgado.

Taong 1998 nang magtaguyod sila ng isang institusyon upang maibalik ang sigla ng kagubatan. Nakipag-team up sila sa mga volunteers upang magkaisa at magtulungan sa pagtatanim ng mga puno. At magsimula noon ay nakapagtanim sila ng higit 2.7 milyong puno sa 1,502 hectaryang lupa. 

At nang unti-unting naibabalik ang mga puno sa kanilang kapaligiran, ay muling nagbalik din ang mga hayop, ibon, at mga insekto. 

Pinuri nang mga netizens ang mag-asawa sa kanilang nakapahusay na ideya. At kung ang lahat lamang ng tao ay susunod sa kanilang yapak sa pagbabalik ng sigla ng ating mga kagubatan, ay mas gaganda ang ating kapaligiran. 

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso