Nagulat Ang Bride Matapos Magpakita Ang Dating GF Ng Kanyang Mapapangasawa Sa Mismong Araw Pa Ng Kanilang Kasal


Ang kasal ay ang napaka-sagrado at espesyal na araw para sa dalawang nagmamahalan dahil sa Sakramento ng kasal ay sila ay nagiging isa habang buhay. Ngunit bago maikasal ang dalawang tao ay dapat na walang tutol dito. 

Tila sadyang naging mapait ang kinalabasan ng isang wedding ceremony na ito sa China, na kung saan ang dating kasintahan ng groom ay biglang nagpakita sa mismong araw pa ng kanyang kasal ng kanyang ex-boyfriend.

Sa isang maiksing video clip ay nakuhanan kung paano umeksena ang babae at nag-wedding crash sa kasal ng kanyang ex-boyfriend na kung saan hahalikan na sana ng groom ang kanyang totoong bride. Ngunit naputol ang pinakahihintay na moment na iyon ng biglang lumapit ang ex-girlfriend nito na suot suot din ay isang wedding gown at hinihila ang kamay ng groom habang umiiyak na parang bata. 

Humihingi ng second chance ang kanyang ex-girlfriend at sinasabi na iwanan na lang daw ng groom ang kanyang pinapakasalan dahil gusto pa nitong makipagbalikan. Sinasabi rin ng babae na "it's my fault," habang nakaluhod at nanghihingi ng tawad. 

Ayon sa mga report, kaya sila nagkahiwalay ng kanyang ex ay dahil nanloko ang babae kaya siya iniwan ng lalaki. Ngunit tila hindi pa ito nakakapag-move on kaya pati ang mismong espesyal na araw ng totoong bride ay nadamay sa kaguluhang dinulot ng babae.

Samantala, habang ina-aapproach ng groom ang kanyang mapapangasawa, ay sa kabila naman ng lahat ay nanatili munang kalmado ang totoong bride at hindi niya pinatulan ang nagwawalang ex-girlfriend. Ngunit ilang sandali pa ay nagwalk-out na ito sa eksena at mukhang na-badtrip na sa nangyayari. Dali-dali naman siyang sinundan ng kanyang groom.

At sa bandang huli, ang nagwawalang ex-girlfriend ay makikitang nakaupo na lamang at naiwang umiiyak mag-isa.

Maraming netizens naman ang sumuporta sa bride habang kinamumuhian ang ginawa ng ex-girlfriend na sumira ng kasal. Hindi lamang panggugulo ang kanyang ginawa kundi kahihiyan.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso