Napaiyak Ang Lalaking Ito Matapos Maibalik Pa Ang Napakalaking Halaga Ng Pera Na Kanyang Nalaglag



Napakahirap nang magtiwala sa panahon ngayon, lalo na't kung pera ang pinag-uusapan. Dahil mainit ito sa mata ng mga tao, marami ang nagkakainteres dito. Kaya naman kung nakaiwan o nalaglag mo ang iyong pera, mataas ang tiyansa na hindi na ito babalik sayo.

Ngunit sa kabila nito, mayroon pa rin palang natitirang mga tao na tapat at hindi madaling masilaw sa pera gaano man ito kalaki. Natural na sa kanila na maging matapat dahil sila pa mismo ang gagawa ng paraan upang maibalik sa kinauukulan ang naiwanang pera.

Ang hindi ipinakilala na lalaking Pinoy worker na ito ay umalis sa Pilipinas upang makapag-trabaho sa bansang Taiwan at makapagpadala ng perang pangsuporta sa kanyang pamilya. Magpapadala na sana siya ng pera sa kanyang asawa, ngunit mayroong isang hindi inaasahang insidente na nangyari.

Nang sumakay siya ng taxi ay nalaglag niya ang kanyang pitaka. Ilang sandali ay napag-alaman niya na wala na sa kanya ang kanyang pitaka na naglalaman ng kanyang life savings na ilang taon niyang trinabaho sa Taiwan.

Dali-dali naman niya itong nireport sa New Taipei Three Gorges Police Corps. At ang mga Taipei police naman ay agad itong inaksyunan para ma-contact nila ang nasabing taxi driver kung saan siya sumakay. 

Tumataginting na $40,000 ang perang kanyang nalaglag. Nang macontact ng mga pulis ang taxi driver noong gabing iyon ay dinala niya ang naiwang pera sa police station upang isurrender.

Mabuti na lamang at nakita ng honest taxi driver ang nalaglag na pitaka ng lalaki bago pa ito makuha ng ibang pasahero na kanyang sinakay noong araw na iyon. 

Noong ma-retrieve na nang mga pulis ang pitaka, ay sila mismo ang pumunta sa lugar na kung saan nagtatrabaho ang lalaking nakalaglag ng pitaka. Sa sobrang saya ng lalaki ay maging ang mga pulis ay kanyang niyakap dahil naibalik pa sa kanya ang kanyang pinaghirapang pera. 

Naging emosyonal rin ang lalaki ng matanggap niyang muli ang pera na hindi niya inaakalang maibabalik pa sa kanya. Laking pasasalamat na rin niya sa mabait na taxi driver na nagsauli ng kanyang pera. 

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!