Netizen Nagbigay Ng Babala Sa Maling Presyo Ng Produkto Sa Isang Grocery Store



Madalas kapag tayo ay namimili sa mga grocery store ay hindi na natin nache-check ang presyo ng mga na-punch na item sa cashier. Ngunit may mga pagkakataon tulad ng naranasan ng isang netizen na ito na magkaibang presyo ang nakalagay sa mismong produkto at sa resibo. 

Kung titignan base sa nakadikit na presyo sa produkto ay mura ang iyong binibili ngunit pagdating sa cashier at babayaran mo na ito ay mas mahal pala ang presyo na naka-encode sa kanilang computer. Kung hindi ka mapag-matyag ay tiyak na mapapamahal ka pa. 

Nagbahagi ng isang karanasan ang isang netizen na si LJ Jumola sa kanyang Facebook account matapos mamili sa isang local grocery store. Ayon sa kanyang post:

"To my family and friends, be very careful in buying your groceries lalo na on busy days/holidays. I rarely post on my timeline but this incident really bothered me. It happened in SM Hypermarket Novaliches Branch. If I didn't check twice I would have over paid Php 52.42 para sa cauliflower. The labeled price is Php66.14 (1st photo) but when the cashier punched it, Wow magic! 118.56 na! If you notice, too, iba rin ang price ng bell pepper sa receipt vs. dun sa nasa label so ano to??

Please, please don't take your eyes off when checking out cause that's where the magic happens. Ang when you caught it, parang wala lang sa cashiers/staff, ivo-void lang or papalitan ang price. They wouldnt' even tell them to correct the labels. Pano nalang yung mga nagmamadali at hindi na na-check kung may mali sa mga presyo ng binili nila? Grabe para-paraan nalang."


Sa kasamaang palad, hindi lamang ang cauliflower at bell pepper ang nagkaroon ng product mispricing, ang isang box ng gulaman na kanyang binibili rin naman na nagkakahalaga sa Php79.50 bawat isa ay dalawang beses na-punch sa resibo.

Kung hindi lamang siya naging alerto sa kanyang mga binibili ay napasobra ng Php140 ang kanyang binayaran. 

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na mayroong mga 'product mispricing' sa mga grocery stores. Ngunit ang nais lamang ipahatid ay kung maaari sana ay mas maging maingat pa ang mga tindahan sa tamang price labeling ng kanilang mga paninda upang hindi rin malito ang mga mamimili. At imbes na nakatipid sila ay mas napapamahal pa pala sila. 

Samantala, nagbigay rin ng iba't ibang reaksyon ang mga netizens na nakaranas na rin daw sila ng ganitong klaseng pangyayari at nananawagan sila sa Department of Trade and Industry. 

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso