Viral ang Isang Salesman Matapos Magbreakdown Sa Publiko Nang Hindi Niya Naisara ang Kaniyang Kota








Marahil marami ang mga taong naiinggit sa mga nakikita nilang salesman sa daan dahil sa pananamit nilang magagarbo, pagkakaroon ng flexi time sa trabaho, at maluho sa mga natatanggap na commissions mula sa kliente. Habang ito ay maaring totoo para sa ibang mga salesman, mayroon ding mga iba na hindi pinalad. Sa katotohanan, may mga industriya parin ang hirap dahil sa hindi nila maabot ang kanilang mga kota.

Ang katumbas ng karangyahan na buhay na tinatamo ng mga salesman kagaya ng mga pagkakaroon ng pansariling oras, nakakapunta kung saan saan at kaakibat nito ang mga paghihirap para maabot ang kanilang mga benta. May mga kumpanya ang hindi nagbibigay ng komisyon sa tuwing hindi nakakaabot sa kota ang mga salesman. Ito ang naguudyok para sa mga salesman na pagbutihin ang kanilang trabaho upang makamit ang mga kota kagaya ng pagpapanatili sa mga existing na kliyente at pagkuha ng mga bago. 








Ngayon, may isang lalaki ang nagviral dahil siya ay nagbreakdown ng hindi niya maabot ang kota sa kaniyang trabaho. Ginawa niya di umano ang lahat gaya ng pagsama sa kliyente sa labas kahit pa man hindi ito mahilig lumabas ngunit hindi ito naging sapat upang maisara niya ang deal dito. Isang araw, naglasing ang lalaki at ng makausap ito ng pulis nakita itong umiiyak. Paliwanag ng salesman, nalulungkot kasi siya dahil hindi niya naabot ang kota niya at ginawa niya na lahat ng kaniyang makakaya para dito. 

Dumating naman ang kaniyang asawa sa lugar kung saan nakita siya ng mga pulis. Ito ay kaniyang niyakap kahit na puno ng suka ang lalaking salesman. Binanggit ng asawa na ok lang yon at gagawan nalang nila ng paraan ang lahat ng problema na magkasama. Ang lalaki ay patuloy na humihingi ng tawad sa kaniyang asawa at panay naman banggit ng asawa niya na ok lang ito at hindi na dapat siya umiyak pa. 


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!

Bansang Japan, Namimigay ng Libreng mga Abandonadong Bahay sa Kung Sino Man ang Gustong Tumira