VIRAL: Isang Pamilya Sa Abra ang Gumawa ng Swimming Pool Gamit Lamang ang Truck!









Dahil sa naranasan nating tindi ng init ng panahon ngayon ay patok para sa lahat ng pamilyang Pilipino ang pumunta sa mga beaches at resorts sa ibang lugar o kaya naman ay sa ibang bansa upang magbakasyon. Pero kahit ganoon ay marami padin ang hindi masyadong makapag enjoy dahil sa dami ng tao sa mga pasyalan at paliguan na kanilang pinupuntahan.

Kaya naman naisip ng isang pamilya na ito mula sa Barangay Sta. Rosa, Bangued Abra na magkaroon ng sariling family bonding na hindi na kailangan pang dumayo sa ibang lugar. Sa isang facebook post ng isang netizen na nagngangalang Mark Jhun Bautista, gumawa ang kanilang pamilya di umano ng isang malaking delivery truck na swimming pool. Upang magkaroon sila ng isang family outing na literal na ginawa sa labas ng kanilang bahay. Ito ang nag udyok sa kanilang upang makapag tampisaw sa tindi ng init ng panahon.






Nilagyan nila ang isang Isuzu truck ng isang malaking trapal upang hindi tumagas at makaipon ng tubig mula sa hose papunta sa taas ng truck upang mabuo ang isang man made giant pool. Ayon sa pahayag ni bautista, matapos kumain sila ng tanghalian noong Byernes Santo ay naisipan nila ito dahil sobrang init talaga ng panahon at nais nilang magpalamig.

“Habang nagla-lunch po kami, naisipan naming ilatag yung tolda ng isang truck na bakante at i-convert into pool kasi init na init ang lahat,” pahayag ni Bautista. Makikita sa mga kuha ng netizen na kahit hindi pa puno ang tubig ay nagsibabad na sa tubig ang kanilang pamilya dahil sa di umano ito ay dalawang oras bago mapuno. Maraming netizens ang natuwa sa ginawa ng pamilya at sa ngayon ay mayroong 13,000 reactions at 48,000 comments ang kaniyang post. Nakakahanga nga naman talaga ang pamilya ni Mark dahil sa taglay nilang pagkamalikhain. 


Comments

Popular posts from this blog

Grab Food Rider Kinain Na Lamang Ang Di Binayaran At Kinanselang Order Ng Kanyang Customer

Jackpot Ang Lalaking Ito Matapos Makatagpo Ng Wallet Na May Lamang Pera Sa Damit Na Nabili Sa Ukay-Ukay

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Matandang Lalaki, Inakalang Pulubi ng Isang Pawnshop Ngunit Ito Pala ay Nagpapadala ng Pera Para sa Anak!