Ikinatuwa Ng Mga Netizens Ang Kilo-Kilong Mangga Na Ipinamimigay Nang Libre At Kahit Sino Ay Pwedeng Kumuha

Tuwing tag-init ay panahon ng mga mangga kaya naman sa mga oras na ito ay nagiging mura na ang bentahan. Makikita na sa bawat puno nito ay hitik ito sa bungga. Napakasarap nitong kainin lalo na kung may kasamang alamang, gawing shake, mango float, o kaya ay papakin ang hinog na bunga nito. Labis na ikakatuwa ng mga mahilig sa prutas na ito ang ginawang pamimigay ng libreng mangga ng isang taniman sa Salcedo, Ilocos Sur dahil sobra-sobra na ang supply nila nito. Ibinahagi ng page na DWRS Commando Radio ang magandang balitang hatid ng isang netizen na nagngangalang Emmylou Arruejo Jomero. Ayon kay Jomero, hitik sa bunga ngayon ang kanilang mga puno ng mangga. At dahil panahon ngayon nito, mura na ang presyo nito sa kanilang bayan sa Salcedo. Ngunit kahit na maaari pa nila itong maibenta sa ibang lugar ay minabuti nilang ipamigay na lamang ito dahil sobra-sobra na ang napipitas na mangga sa kanilang taniman. Naisipan nilang ilagay sa plastic bags ang mga m