Alamin Ang Saloobin ni Toni Gonzaga Sa Pagkatalo ng Kanilang Daddy Bonoy bilang Mayor ng Taytay








Dating Vice Mayor ng Taytay, Rizal si Carlito "Bonoy" Gonzaga at nitong nakaraang eleksyon ay humabol siya bilang Mayor ngunit ang nare-elect lang ang dating mayor ng Taytay kaya siya natalo. Kahit na ganoon, pinili rin ng kanyang pamilya na maging positibo sa resultang sa nangyaring halalan.

“Prepared kami sa outcome from the very start, prepared na ‘yung family namin and my dad did his best. He fought a good fight. He fought clean." Nitong mga nakaraang araw nakakarinig tayo ng mga iba't ibang balita tungkol sa eleksyon, Sa mga nananalo, mga natatalo at ang saloobin ng mga kapamilya ay naipapahayag sa mga oras na nagtatanong na ang media. Isa sa mga natanong ng mga media ang host ng PBB Otso na si Toni Gonzaga.

Katatapos lamang ng Press Conference nila tungkol sa bagong hitsura ng "Home Sweetie Home" hindi pa siya tinantanan ng media dahil tinanong rin siya tungkol sa kanyang saloobin tungkol sa pagkatalo ng kanyang ama na si Bonoy na tumakbo bilang mayor ng Taytay, Rizal nitong nakaraang eleksyon lang.






Umpisa pa lamang daw ay handa na sila sa magiging resulta ng botohan at naniwala sila na ginawa ng kaniyang ama ang lahat ng makakaya at hindi ito nandaya. Naguumapaw rin ang pasasalamat ng kanilang pamilya sa mga natanggap na suporta at pagmamahal na galing sa kapwa. “I’m grateful sa love and support na nakita namin. I’ve never seen this much love and support mula sa kababayan namin and that is enough for me." Aniya.






Sinabi rin niya na “Mas masaya kami actually kasi mas makakasama na namin siya lagi. ‘Pag nagtravel kami, hindi na siya uuwi nang maaga kasi lagi niya kaming iniiwan e ‘pag nagtatravel kaming family kasi nga may responsibility siya." Tulad ng ibang balita tungkol sa mga kandidato hindi rin naiwasang tanungin ng media si Toni tungkol sa napagdaanan ng kanyang pamilya noong kampanya pa lamang tulad ng death threats. Pero pinili ni Toni na huwag na itong sagutin at nagpasalamat ndalang dahil safe ang kanyang ama pagkatapos ng eleksyon.

“I don’t want to go in to details about the whole situation that happened but what I really want to say is I’m grateful.” “After everything that he has been through and what we have witnessed during the whole campaign, the only thing that we are grateful for is that my dad is still alive and he’s still with us." Dagdag pa niya.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso