Bagong Kasal Tinuloy Pa Rin Ang Wedding Dance Kahit Na Maputik Ang Kanilang Reception


Ang bawat kinakasal ay mayroong dream wedding. At ang nais lamang ng bride at groom ay maging isa itong memorable at perfect experience. 

Maaaring magaganap ang wedding ceremony sa isang simbahan at susundan ng isang magarbong reception. Ngunit ibahin ang istorya ng bagong kasal na ito dahil kahit sa kabila ng maputik na reception ay tuloy pa ring ang salu-salo.

Isang video ng bagong kasal ang nagviral dahil sa kakaibang pangyayari na naganap sa kanilang reception. Nakuhanan ang nasabing video sa isang lugar sa Cagbatang, Masbate.

Ang groom na si Jonel Noynay at kanyang bride na si Rose Jean Pasilan ay masayang masaya sa araw ng kanilang kasal na ginanap sa isang church ceremony sa Masbate. At pagkatapos ng kasalan ay dumiretso sila at ang kanilang mga guests sa isang open area na reception. 

Sa ilang mga larawan na nakuha sa naturang video ay makikita na kahit sa gitna ng maputik na reception ay tuloy pa rin ang pagsayaw ng bagong mag-asawa para sa kanilang wedding dance. 

Habang pinapatugtog ang awitin ni Mariah Carey na "Without You" sa karaoke ay makikita na tinuloy pa rin ng bride at groom ang pagsasayaw habang ang puting trahe de boda ng babae ay punong puno na ng putik at maging ang wedding suit ng lalake.

Mapapansin din na maging ang kanilang mga bisita ay hindi minamalayan ang maputik na reception at tinuloy pa rin ang tradisyon ng mga Pilipino na pagsasabit ng mga paper bills sa damit ng mga bagong kasal habang sinasagawa ang wedding dance.

Ang kanilang kasal ay inattendan ng maraming guests kahit na kakatapos lamang bumagy0 sa kanilang lugar noong panahong iyon. Naging usap-usap rin sa kanilang baryo ang naganap na kasalan.

Ngunit kahit sa kabila ng maputik na reception, naging memorable pa rin ito sa parte ng bagong kasal dahil makikita na tuloy pa rin ang kasal umulan man o umaraw sa kanilang lugar. 

Comments

Popular posts from this blog

Tinulungan Ng Mga Netizen Ang Isang Ama Na Nahilo Habang Nagtitinda At Karga-Karga Ang Anak

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Netizen, Nahabag sa isang lalaking nagtitinda ng lobo na may kasamang anak na nakatulog

Inspiring Story ng 10 Year Old na Babae, Nagsilbing Magulang sa Dalawa Niyang Kapatid Matapos Iwanan ng Kanilang Ina

Construction Worker At Kanyang Asawa, Nakaipon Ng Pampagawa Ng Bahay Gamit Ang 'Php50 Ipon Challenge'