Bb. Pilipinas 2019 candidate, Bea Patricia Magtanong Pumasa sa 2018 Bar Examination!








Inilabas ng korte Suprema ang listahan ng mga pumasa sa bar exam noong nakaraang Biyernes, May 3, 2019, at isa sa mga ito ay si Bea Patricia Magtanong. Si Patricia, kilala bilang Patch ay kasama sa 1,800 na pumasa ng bar exam. Isa din siya sa 40 na mga kandidata ng Bb. Pilipinas 2019 na kung saan nirerepresenta niya ang probinsya ng Bataan. Isa siya sa mga fan favorite nang nasabing kompetisyon. 

Ibinahagi ni Patch ang magandang balita sa kanyang instagram account noong nalaman niya na siya ay pumasa sa bar exam. Nag post si Patch kasama ang kanyang ama, na isang abogado din, na kung saan pinamagatan niya na: “Atty. Magtanong and Atty. Magtanong!” “Para sa aking pamilya, para sa Diyos at para sa bayan". ika niya.






Ayon sa mga report patungkol sa kaniya, sinabi ng dalaga na ang taon na ito ay ang taon na kung saan tutuparin niya ang kanyang mga pangarap. Dahil sa kanyang tagumpay, ipinakita niya sa mundo na may mga babaeng beauty and brains!





Nakapag tapos si Atty. Bea Patricia Magtanong ng abogasya sa University of the Philippines, kung saan kumuha din siya ng Bachelor's degree sa Business Economics. Ayon sa website ng Bb Pilipinas, ang kanyang adbokasiya ang karapatan ng mga bilanggo. Magaganap ang koronasyon ng Bb Pilipinas sa June 9. 


Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!