Catriona Gray Humingi Ng Tawad At Umaming Nasira Niya Ang Kanyang Miss Universe Crown



Isang karangalan sa Pilipinas ang nauuwing titulo ng mga Miss Universe candidates. At dahil ang pageant na ito ay pinakakaabangan ng mga Pilipino, hindi maikakaila na ang mga nagagandahang binibini na nagrerepresenta sa ating bansa ay napapamahal sa masa.

Naging matunog ang pangalan ni Catriona Gray lalo na noong nanalo ito bilang Miss Universe 2018. At para i-congratulate siya sa kanyang inuwing titulo ay sinalubong siya ng kanyang kababayang Pilipino dito sa ating bansa sa naganap na homecoming parade. 

Habang siya ay nagpaparada ay makikita ang excitement at saya sa kanyang mga mata dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga tao. Ngunit sa event na ito nangyari ang hindi niya inaasahang pangyayari, nasira ni Catriona ang kanyang Miss Universe crown.



Bukod sa title ay ang crown ang isa sa mga pinakaimportanteng bagay na pinanghahawakan ng mga reigning Miss Universe. 

Ang precious crown ni Catriona na Mikimoto crown ay mayroong disenyo na 7 feathers na inspired sa Fenghuang phoenix na gawa sa yellow at white gold, 500 na diamonds na mayroong halos 30 carats, 120 South Sea at Akoya Pearls, at may sukat na 3 to 18mm diameter at nagkakahalaga ng $250,000 o estimated na Php13 million. Ngunit nasira ang isang feather nito.

Sa isang viral video ay umamin si Catriona sa publiko at humingi ng tawad sa pagkakasira ng kanyang korona.

"So one of the the things I love most about the parade is that they have this moving band and drums and it makes me want to dance. So I end up dancing, although I am not a very good dancer. The Mikimoto has seen better days. As a result of my dancing. I am so sorry."

Ngunit sa Twitter account ng Miss Universe Organization ay sinigurado nila ang beauty queen na aayusin nila ang nasirang korona. 

Samantala, mensahe ng ibang netizens kay Catriona ay mas mahalaga ang saya at karangalang na naiuwi niya sa bansa. At wala naman sa intensyon niya na masira ito. 

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Nagtanim Ng Milyong Puno Ang Mag-asawa Sa Loob Ng 20 Taon At Ang Kinalabasan Ay Talagang Napakaganda